Neil Arce ibinandera ang Christmas gift sa kanya ni Angel Locsin | Bandera

Neil Arce ibinandera ang Christmas gift sa kanya ni Angel Locsin

Reggee Bonoan |November 26,2022
facebook
share this

Neil Arce ibinandera ang Christmas gift sa kanya ni Angel Locsin

Reggee Bonoan - November 26, 2022 - 06:33 PM

May bagong pruweba na naman si Neil Arce na hindi sila hiwalay ng asawang si Angel Locsin dahil pinost nito sa kanyang IG Stories nitong Biyernes ng madaling araw ang advance Christmas gift sa kanya ng aktres. Isang Golf cart ito na ang caption ni Neil, “Early Christmas surprise from the wife (emoji smiling Face with Heart-Shaped Eyes).” At sa bandang ibaba ng larawan nakalagay ang, “Thanks my love @therealangellocsin.” Matatandaang ilang linggong pinagpiyestahan ng mga Marites ang mag-asawang Neil at Angel na hiwalay na dahil nga nagpahinga sila sa kanilang social media. Ginawan pa ng isyu si Neil na may nabuntis na ibang babae kaya may pinagdadaanan ang dalawa. Kamakailan ay hindi na nakatiis si Neil sa mga fake news ng mga vloggers at marites kaya nag-post na siya na hindi ito totoo. Base sa post niya, “Me and my wife are Charitable people. Donation nap o namin sa Fake News peddlers ‘yang kikitain nila sa pagpapakalat ng fake News. Besides deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan.” At dahil dito ay nanahimik na ang lahat ng marites na gumawa ng imbentong balita. Wait na lang kasi natin kung kailan magpaparamdam si Angel.
MAY bagong pruweba na naman si Neil Arce na hindi sila hiwalay ng asawang si Angel Locsin dahil pinost nito sa kanyang IG Stories nitong Biyernes ng madaling araw ang advance Christmas gift sa kanya ng aktres.

Isang Golf cart ito na ang caption ni Neil, “Early Christmas surprise from the wife (emoji smiling Face with Heart-Shaped Eyes).”

At sa bandang ibaba ng larawan nakalagay ang, “Thanks my love @therealangellocsin.”

Matatandaang ilang linggong pinagpiyestahan ng mga Marites ang mag-asawang Neil at Angel na hiwalay na dahil nga nagpahinga sila sa kanilang social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neil Arce (@neil_arce)

Ginawan pa ng isyu si Neil na may nabuntis na ibang babae kaya may pinagdadaanan ang dalawa.

Kamakailan ay hindi na nakatiis si Neil sa mga fake news ng mga vloggers at marites kaya nag-post na siya na hindi ito totoo.

Base sa post niya, “Me and my wife are Charitable people. Donation na po namin sa fake news peddlers ‘yang kikitain nila sa pagpapakalat ng fake News. Besides deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan.”

At dahil dito ay nanahimik na ang lahat ng marites na gumawa ng imbentong balita.

Wait na lang kasi natin kung kailan magpaparamdam si Angel.

Related Chika:
Angel Locsin itinanggi ang chikang hiwalay na sila ni Neil Arce, naglabas ng ‘resibo’

Angel Locsin piniling manahimik sa socmed, hindi totoong hiwalay kay Neil Arce

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo kay Neil Arce ng ina: Maging ander ka, sundin mo lahat ng gusto ni Angel para masaya kayo!

Bwelta ni Neil sa mga blogger na nagsabing hiwalay na sila ni Angel: Kasinungalingan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending