Bwelta ni Neil sa mga blogger na nagsabing hiwalay na sila ni Angel: Kasinungalingan! | Bandera

Bwelta ni Neil sa mga blogger na nagsabing hiwalay na sila ni Angel: Kasinungalingan!

Reggee Bonoan |November 18,2022
facebook
share this

Bwelta ni Neil sa mga blogger na nagsabing hiwalay na sila ni Angel: Kasinungalingan!

Reggee Bonoan - November 18, 2022 - 01:07 AM

Bwelta ni Neil sa mga nagpakalat ng tsismis na hiwalay na sila ni Angel: Kasinungalingan!

Angel Locsin at Neil Arce

HINDI na nakapagpigil ang asawa ni Angel Locsin na si Neil Arce sa mga naglabasang malilisyosong balita tungkol sa kanilang mag-asawa.

Sinagot na ni Neil ang ilang vloggers at mga Marites na nagpapakalat ng kuwento na hiwalay na raw silang mag-asawa dahil may nabuntis siyang ibang babae at kung anu-ano pa.

Kumbaga sa boksingero ay isang matinding upper cut, cross, hook at jab ang pinakawalan ng film producer sa mga content creators na pinagkakitaan silang mag-asawa sa kani-kanilang YouTube channel.

Ang post ni Neil, “Me and my wife are Charitable people. Donation na po namin sa Fake News peddlers ‘yang kikitain nila sa pagpapakalat ng fake News.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neil Arce (@neil_arce)


“Besides deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan,” ang sabi pa ng mister ni Angel.

Sabi naman ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” YouTube channel nila ni Mama Loi kasama si Ate Mrena ay, “Hindi sila hiwalay, nagpahinga lang si Angel Locsin sa social media at meron siyang ibang pinagkakaabalahan at aware ro’n si Neil.

“At nandoon sa bahay nila nakatira ang daddy ni Angel Locsin na 94-years-old, so, ibig sabihin sila pa rin intact!

“Ang nakakaloka ‘yung ibang YouTuber at kabubukas pa lang ng  account, pinaskel na nila sa kanilang thumbmail na hiwalay na (sabi ng fake news) ‘itong asawa ni Angel Locsin na si Neil Arce ay nabuntis si Maxene Magalona.’

“At ‘yung ex-girlfriend nitong si Neil Arce na si Maxene Magalona nabuntis at sila na ulit (ipinakikita ang mga titulo ng YT).

“Alam n’yo (YouTubers) pabonggahan kayo talaga ng mga binabalita n’yo. ‘Yung mga fake news pabonggahan talaga. ‘Wag ho kayo basta-basta maniniwala, doon lang ho kayo sa credible YouTube account. Do’n lang ho kayo sa credible news online.

“Tandaan ninyo kapag isa lang ang nagsabi niyan sa YT account, hindi po ‘yan true!” paalala ni Ogie.

Say ni Mama Loi, “Saka ‘yung mga boses lang walang mukha, ayyy fake news ‘yan!”

“Kurek pag hindi nagpapakita ng mukha at ibinabalita lang ng kanyang tinig? Naku, fake news ‘yan!” diin pa ni Ogie.

Ang mga titulo ng fake news sa YT na talagang umaani ngayon ng hundred thousands views ay mga sumusunod: “Yes po buntis po ako.. magkaka-baby na po kami ni Neil”; “Sobrang nakka-excite at nakakatuwa maglihi si Maxene”; “Neil Arce nagsalita na sa pagbubuntis ni Maxene”; “Lagot na, Elmo Magalona binugbog si Neil Arce (pinakitang may mga pasa ang asawa ni Angel).”

“Kawawa naman ‘yung bata (Maxene) nadadamay. Buti na lang hindi nagre-react itong sina Maxene. Ang daming fake, dapat ‘yan ang mga dina-down,” diin ulit ni Ogie.

“Opo, dapat ‘yan ang mga nire-report!” sambit ni Mama Loi.

Nadawit din ang pangalan ng isa pang ex-girlfriend ni Neil na si Bela Padilla dahil may nabasa pa kaming titulong, “Bela Padilla sinundo si Angel Locsin”; “Maxene Magalona pinadampot sa pulis ni Angel Locsin”; at marami pang iba.

At dito tawang-tawa ang “Showbiz Update” hosts, “Neil Arce proud na proud sa kambal na anak nila ni Maxene” at “Nanay ni Angel Locsin na si Rio nag-react!”

Tawang-tawa ulit ang tatlo, “Ha, nanay ba ni Angel si Rio Locsin?”

Sabi agad ni Ogie, “Darating na diyan, maniwala ka. Maniniwala sila na nanay ni Angel si Rio. Papatulan nila ‘yan Loi!”

Dagdag pa niya, “Kaya dapat hindi tayo basta-basta naniniwala at dapat inire-report po ‘yung ganitong klaseng pagbabalita na imbes na nakakatulong, e, lumalaki pa ang isyu.”

Angel Locsin itinanggi ang chikang hiwalay na sila ni Neil Arce, naglabas ng ‘resibo’

Payo kay Neil Arce ng ina: Maging ander ka, sundin mo lahat ng gusto ni Angel para masaya kayo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angel, Neil magpapakasal pa rin sa simbahan; Dimples naging instant photog sa civil wedding

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending