Angel kay Chito: Happy birthday sa kaibigan kong malupit na Rakstar! Labyu tsong! | Bandera

Angel kay Chito: Happy birthday sa kaibigan kong malupit na Rakstar! Labyu tsong!

Ervin Santiago |February 08,2022
facebook
share this

Angel kay Chito: Happy birthday sa kaibigan kong malupit na Rakstar! Labyu tsong!

Ervin Santiago - February 08, 2022 - 07:04 PM

Bubbles Paraiso, Angel Locsin, Chito Miranda at Neri Naig

HINDI nakalimutang batiin ng “happy birthday” ni Angel Locsin ang isa sa mga BFF niya sa showbiz na si Chito Miranda.

Pinusuan at ni-like ng mga netizens ang birthday greeting ni Angel para sa OPM icon at Parokya ni Edgar frontman na nag-celebrate ng kanyang 46th birthday kahapon, Feb. 7.

Ilang throwback photos nila ni Chito kasama ang ilan pa nilang mga kaibigan ang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram.

“Cheers! Happy birthday sa kaibigan kong malupit na Rakstar. Labyu tsong!” ang simple pero rak na rak na caption ni Angel sa nasabing photos.

Makikita rin sa lumang litrato na ipinost ni Angel ang friend nilang si Bubbles Paraiso, at ang asawa niyang si Neil Arce at misis ni Chito na si Neri Naig-Miranda.

View this post on Instagram

A post shared by Angel Locsin-Arce (@therealangellocsin)


Samantala, sinagot naman ni Chito ang pagbati ni Angel, aniya, “Salamaaat!!! Love you Chong!!!”

Sa isang interview, sinabi ni Chito na nakilala niya si Angel mahigit isang dekada na ang nakararaan habang teenager pa lamang siya nang maging friends sila ni Bubbles.

“Nakilala ko si Bubbs nu’ng 16 pa lang sya. Si Gel naman naging kaibigan ko more than a decade ago, at sooobrang dami na naming napagdaanan. 

“Iba’t ibang adventures and misadventures, pero lahat palaging masaya, kasi we genuinely care for each other, kahit may mga times na nag-aaway kami,” sabi pa ng OPM icon at songwriter.

Nauna rito, ibinandera naman ni Neri ang bongga at pasabog na birthday gift niya para sa asawa na isa lang namang yate.

“May maliit na kaming yate. Parang pinalaking speed boat lang, pero may bedroom, mini sala, at banyo. Hehe! Tamang tambay lang sa dagat with our family and friends. Maganda rin mag-fishing kasi mahilig kami mag-fishing!

“Siyempre bilang wais na misis, ipapa-rent din namin to soon! Para makabawi-bawi naman kahit paano. Hahaha!” ang caption ng aktres sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang nasabing yate.

Ikinasal naman sina Chito at Neri noong  2014 at biniyayaan ng tatlong anak, ang biological kids nilang sina Miggy at Cash, at ang adopted nilang si Pia.
https://bandera.inquirer.net/290192/chito-muling-pinuri-ang-asawa-napakaganda-ni-neri-medyo-weird-pero-sobrang-bait

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/287514/bakit-nga-ba-nag-offer-si-angel-ng-kwarto-kina-chito-miranda
https://bandera.inquirer.net/296713/neri-may-nakakalokang-kuwento-nang-mag-dinner-date-sila-ng-asawa-haaaaaay-chito-classic-ka-talaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending