Katherine Luna tutulungan ni Coco Martin para ipaopera ang mata

Katherine Luna tutulungan ni Coco Martin, ipapaopera ang mata at isasama sa ‘BQ’

Reggee Bonoan - March 01, 2025 - 03:59 PM

Katherine Luna tutulungan ni Coco Martin, ipapaopera ang mata at isasama sa 'BQ'

Coco Martin, Katherine Luna

MARAHIL isa si Coco Martin sa 1.4 million na nakapanood ng panayam ni Katherine Luna sa YouTube channel ni Julius Babao noong February 28.

O kung hindi man ito napanood ng aktor ay baka may nagparating sa kanya ng kalagayan ngayon ni Katherine na dati niyang nakarelasyon noong hindi pa siya sikat.

Pinahanap ngayon ni Coco si Katherine dahil nais niya itong tulungan at ang plano ay isama siya sa “FPJ’s Batang Quiapo,” pero kailangan munang ipa-opera ang mata nito at sasagutin ito ng aktor.

Nakarating na yata ito kay Katherine pero hindi pa siya pumayag dahil nasa interesting stage siya ngayon na ikinagulat namin nang ikuwento ito ng aming kausap dahil ibig sabihin ay pang-walo na niyang anak ito?

Baka Bet Mo: Coco sa book 2 ng ‘Batang Quiapo’: Papasok tayo sa mundo ng pulitika!

Nabanggit naman ni Katherine sa panayam niya kay Julius na pito na ang anak niya at maski rin daw siya ay nagtataka kung anong meron sa matris niya at lagi siyang nabubuntis na ikinatawa pa niya.

Sa kabilang banda ay inamin ng dating aktres na gustung-gustong nitong bumalik sa harap ng kamera pero hindi pa sa ngayon dahil kailangan pa niyang mag-ipon para sa operasyon ng kaliwang mata niya na sabi ng doktor ay may pag-asa naman itong mabalik sa dati.

Pinarating naman ang dahilan ni Katherine kay Coco at nasambit nga ng aktor na ipapagamot niya ang mata muna ng dating malapit na kaibigan bago niya ito isama sa “Batang Quiapo.”

Kaya sobrang bine-bless itong si Coco dahil kahit nagawan na siya ng pagkakamali ng mga taong nakasama niya noon ay willing pa rin siyang tulungan ang mga ito at hindi naman niya ito ipinagkakalat.

Nagkataon lang na ang mga nakakaalam ng mga plano niya ay naikwento sa kaibigan na naikwento rin ng kaibigan sa kaibigan, Marites lang ang peg.

Samatala, marami kaming kaibigang nakabasa ng aming sinulat dito sa BANDERA kagabi, February 28, tungkol kay Katherine na kinuha namin sa vlog ni Julius at tsaka nila pinanonood.

“Anong nangyari kay Kat?  Bakit nangingiwi siya sa intervierview? Parang may mali pa rin sa kanya?  Sana ayusin na niya ang buhay niya, mahalin niya bago siya tulungan ng ibang tao, sayang ang husay pa naman niya,” sabi ng tsika naming direktor.

Mula naman sa aktor na nakasama ni Katherine sa pelikulang nagawa niya, “Sinayang ni Kat ang panahon, hindi niya naiwasan ang bisyo, ang galing pa namang artistang ito, imagine unang pelikula niya bida agad at naka-tatlong best actress award agad?  Para pagkatiwalaan ka ng isang Mario O’ Hara (SLN), iba!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana nga magbago na si Katherine habang may mga taong gusto pang tumulong sa kanya para mai-ahon siya sa kinalalagyan niya ngayon kasama ang pitong anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending