Katherine Luna 'di humingi ng pera, hiyang-hiya kay Coco Martin

Katherine Luna never humingi ng pera, hiyang-hiya kay Coco Martin

Reggee Bonoan - February 28, 2025 - 08:12 PM

Katherine Luna never humingi ng pera, hiyang-hiya kay Coco Martin

BAGAMAT matagal na namin naisulat na hindi si Coco Martin ang ama ng anak ng dating indie actress na si Katherine Luna ay marami pa ring agam-agam ang ilan dahil hindi naman nagsalita noon ang aktres para pabulaanan ito.

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Katherine sa panayam sa kanya ni Julius Babao sa YouTube channel nitong Unplugged.

Si Katherine ang bida sa pelikulang “Babae sa Breakwater” taong 2003 na isinulat at idinirek ni Mario O’Hara (SLN) at nanalo siya bilang Best Actress sa Cinemanila International Film Festival (2004), Young Critic Cirle Philippines (2004) at Cinefan – Festival of Asian and Arab Cinema (2004).

Nominado siya sa Gawad Urian sa pagka-best actress at best supporting actress sa Immoral at may binanggit siyang nadagdagan ang award niya ng dalawa pa mula sa bansang India at ang isa ay hindi na niya natandaan at tsinek naming sa wikipedia pero hindi namin nakita.

Baka Bet Mo: Coco naawa sa anak ni Katherine Luna; nilinis ang imahe ni Ate Guy

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nakarating na rin siya ng Cannes Film Festival at natuwa siya dahil nakita niya ang mga malalaking artista tulad nina Julia Roberts, Daniel Radcliffe at Brad Pitt na si Jennifer Aniston pa raw ang kasama noon.

Fast forward, nagkakilala sina Katherine at Coco sa pelikulang Pagkagat ng Dilim at hindi pa sikat noon ang aktor.

“Indie actor palang po siya dati,” sambit ni Katherine kay Julius.

Say ng host, “hindi pa siya (Coco) sikat noon mas sikat ka kasi award-winning ka, eh.”

Napangiting sabi ng dating aktres, “he, he, opo nu’ng time na ‘yun.”

Nagkalapit ang dalawa dahil nagkakasama sila mabait naman daw ang aktor hanggang sa dinadalaw na si Katherine sa bahay niya.

“Doon siya nag-sleep over, ilang apartment rin ang nalipatan ko na doon siya natutulog at nakilala siya ng mama ko pero hindi pa siya sikat. Madalas kaming magkita, madalas kaming lumabas tapos biglang nag-stop.

“Lumamya hanggang paminsan-minsan na lang dumalaw sa bahay hanggang (totally) stop na.” balik-tanaw ni Katherine.

Pagkatapos ng episode nil ani Coco ay may nakilala siyang ibang lalaki, “nag hang out kami hanggang sa lumalabas kami and in short may nangyari sa amin. Pagkatapos no’n nagkita pa kami ni Coco sa condo.

“Hinatid niya ako sa condo tapos ‘yun na pala ‘yung last (pagkikita). After three months, nabalitaan kong buntis ako siyempre pumasok sa isip ko (si Coco) pero nu’ng time na ‘yun alanganin ako pero feeling ko lang baka siya (Coco). Kasi ‘yung isa (nakilala) isang beses lang (may nangyari).

“Tapos nu’ng inilabas ko si Nichole dumalaw siya (Coco) tapos sabi niya pa (kaya tumindi rin ‘yung paniniwala ko) kasi nu’ng binuhat niya si Nichole sabi niya, ‘Kat nakikita ko ‘yung picture ko noong bata ako.’

“Nu’ng baby raw siya nakikita niya ‘yung picture niya kay Nichole, so, ako naman assumera ng taon, nag-assume ako. Pero nu’ng buntis ako nasabi ko na ‘baka ikaw (tatay).

Kalmado lang naman daw si Coco nu’ng banggitin ito ni Katherine at bago raw siya manganak ay ipinamili siya ng aktor ng crib, tapos binigyan siya ng P20,000 para sa sa panganganak at binilhan pa ng ibang gamit.

“Siyempre bilang ina, natutuwa ako at baka nga (si Coco ang tatay), malay mo naman tapos nu’ng ipinanganak ko nga si Nichole doon ako talaga nag-assume kas inga sabi niya picture raw niya ‘yung nakikita niya.

“Wala na kami noon (ni Coco) matagal nab ago palang malaman na buntis ako wala na kami text-text lang pero hindi na kami nagkikita at saka that time may girlfriend na siya at nag-text sa akin nu’ng nakita ako,”kuwento ni Katherine.

At nang lumalaki na nga si Nichole ay kaliwa’t kanan na ang panayam kay Kathetine at nabanggit nga niya na si Coco ang ama.

“Gusto kong iklaro ito ha, ni minsan hindi ko siya hiningan ng pera, wala talaga (nag-swear pa). Pero nu’ng lumalaki si Nichole parang (dud ana), siyempre bilang nanay nakikita mo ‘yung mukha, eh, parang hindi niya (Coco) kamukha, iba ‘yung mukha ni Nichole. Tapos doon na nabuo sa isip ko na hindi siya ang ama mga tatlong taon ata si Nichole no’n kaya dumistansiya na ako.

“Ang hirap na lang bawiin kasi unang-una ‘yung bata, anak ko kasi ‘yung pinag-uusapan anong mararamdaman niya? Kaya kapag may nagi-interview sa akin noonm nanahimik na ako.

“Kapag may lumalapit sa akin para mag-interview tungkol kay Coco kasi di ba papasikat na si Coco no’n.

“NU’ng time na na-interview ako sa ABS (CBN), pinag mini-mimo (hulaan) kung sino ang tatay ng anak ko kasi hindi ko naman talaga sinasabi, ‘yung kaibigan kong ai Aliya MOrtel (sexy star) siya ‘yung nagsabi na si Coco Martin daw ang ama. Hindi pa nila kilala si Coco no’n, so in-intierview nila si Coco.

“Yun yata ‘yung nakakausap ni Coco si Mama na hindi ko alam. Nahihiram niya si Nichole hindi ko alam at may isyu pa ng ana binigyan daw niya ng pera, wala akong kalam-alam,”kuwento ni Katherine.

Hanggang sa nagkuwento na rind aw sa kanya ang anak na, “pinakuha raw siya ni Coco ro’n, wala akong kalam-alam, siguro ‘yung DNA. PInatulog daw siya (Nichole), yun ang kinukuwento na hindi ko rin maintindihan bata pa kasi si Nichole no’n at nagbigay daw si Coco ng pera kay mama.

“Doon din ako nagalit kay mama kaya kinuha ko sa kanya si Nichole kas inga ako hindi ko ginawang way ‘yun para magkapera ako, eh. Kung tutuusin kaya kong gawin kung walanghiya lang akong tao pero hindi ko ginawa ‘yung pagkakitaan ang mga anak ko (pito lahat).

“Hindi ako tumanggap, wala akong tinanggap talaga kay Coco, eh at alam niya ‘yan. Wala akong tinanggap nap era hanggang sa lumaki si Nichole at kung anuman ‘yung nangyari noon (pagitan ng mama niya at sa aktor) hindi ko alam ‘yun, eh tinago sa akin ng mama ko pati DNA.

“Wala siyang (mama niya) ikinuwento sa akin noon, anak ko na ang nagkuwento nu;ng kinuha ko Nichole kasi nabalitaan ko na ganu’n kinuha ko si Nichole sa poder ni mama,” diin ng dating aktres.

Ang dahilan ni Katherine kaya niya kinuha ang anak sa poder ng ina ay para maiwasang sabihan siya na pinerahan niya si Coco tapos hindi naman pala ito anak ng aktor dahil ramdam na niyang hindi ang aktor ang ama ng anak.

“Hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin sa kanya (Coco) kasi pinangungunahan ako ng hiya, eh. Gusto ko patay na ang isyu kaya nagtatago na ako noon (kay Coco).

“Wala pang DNA test na ‘yan alam ko na, mas pinili ko ng manahimik at magtago sa tao, mas pinili kong hindi sagutin ang mga tao at mas pinili kong mawala sa eksena kasi nahihiya ako at hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko at hindi ko alam paano sasabihing mali ako, nagkamali ako, hindi ko alam kung paano na hindi ako huhusgahan ng tao, the same time hindi maapektuhan ‘yung anak ko at pamilya ko,” emosyonal na paliwanag ni Katherine.

Paulit-ulit ding sinasabi ni Katherine na wala siyang intension na guluhin noon ang buhay ni Coco.

Sa kasalukuyan ay 20 years old na si Nichole at hindi pa nito nakikilala ang tunay na ama at nagsabi naman daw si Katherine sa ama ng anak na may anak sila pero hindi naman nag-reply na.

Naikuwento ni Katherine sa anak kung ano ang nangyari sa kanila ng tatay nito noong nasa kulungan siya at tinanggap naman daw ito ni Nichole.

Ang tunay na ama ni Nichole ay Chinese businessman na ang asawa ay isang artist ana ayaw na ring banggitin ni Katherine para wala ng isyu.

At ngayong super sikat na si Coco ay natanong si Katherine ni Julius kung ano ang pakiramdam niya ngayon na nasa tugatog na ng tagumpay ang aktor bilang King of Philippine Television.

Totoo naman dahil ilang program ana ang tumapat sa shows ni Coco na FPJ’s Ang Probinsyano at FPJ’s Batang Quiapo ay walang nakatumba rito in terms of ratings game.

“Masaya ako para sa kanya sa mga nangyari sa kanya kasi deserved niya ‘yun. Nu’ng nasa indie-indie palang siya pinush niya ‘yunm pinursige niya ‘yun, taong determinado,” sambit ni Katherine.

Aminadong walang closure sa kanila ni Coco at hindi na raw niya kayang humarap pa sa aktor at sa rami ng gustong makapanayam si Katherine ay tumatanggi siya at dito kay Julius ay tinanggap na niya.

“Para marinig na nila ang side ko at the same time mainam na masabi kong sobrang hiyang-hiya ako at kung anuman ‘yung nangyari at nasabi ko, sana balang araw mapatawad moa ko at gusto kong magpasalamat kasi hindi tulad ng ibang ama diyan nap ag sinabing anak niya ay lumalayo sila.

“Pero ikaw (Coco), tinry mo pa ring malinawan at mahal mo si Nichole pero ‘yun nga, sorry kasi nagkamali ako dala ng kabataan, dala ng maling nagawa ko noon na pati ikaw nagulo ang buhay mo. HUmihingi ako ng dispensa at sana mapatawad moa ko balang araw,” pagsusumamo ni Katherine.

Sa tanong kung sakaling gustong makilala o maka-tsikahan ni Coco si Nichole ay okay kay Katherine.

“Sa ngayon ay si Nichole ang nagde-desisyon kung ano ang gustong gawin sa buhay niya, nakasuporta lang ako kung saan sila masaya,” pagtatapos ni Katherine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa nabanggit ni Katherine na ang mama niya ang tumanggap ng per amula kay Coco ay nabanggit din ito sa amin ng kampo ng aktor na nagbigay sila noon ng malaking halaga bilang tulong sa bata at may mapagsimulang negosyo.

Hindi pala alam ito ni Katherine, nakakahinayang dahil kung siya ang nakatanggap ay baka nakatulong ito sa estado nilang mag-iina ngayon.

Bukas ang BANDERA sa reaksyon ni Coco Martin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending