Coco sa book 2 ng 'BQ': Papasok tayo sa mundo ng pulitika!

Coco sa book 2 ng ‘Batang Quiapo’: Papasok tayo sa mundo ng pulitika!

Reggee Bonoan - March 01, 2025 - 10:12 AM

Coco sa book 2 ng 'Batang Quiapo': Papasok tayo sa mundo ng pulitika!

PHOTO: Instaaram/@cocomartin_ccmfilmproductions

SA pagbubukas ng Book 2 ng “FPJ’s Batang Quiapo” ay ang backstory naman ni Ms. Charo Santos-Concio ang tutukan ng loyal viewers ng programang pinangungunahan ni Coco Martin.

Ginagampanan ng beteranang aktres ang karakter na Tindeng ina ni Cherry Pie Picache as Marites at lolang tagapagtanggol naman ni Coco bilang si Tanggol.

Kwento ni Coco sa ABS-CBN news, “Kagabi nga, ang likot ng utak ko. Hindi ako makatulog kasi excited na excited akong magkwento kung paano ko tatahiin ‘yung bawat character, kung paano mo bibigyan ulit ng bagong kuwento ‘yung manonood gabi gabi.

“Hindi pa nila alam ‘yung backstory ni Tindeng. Kung saan nagmula si Tindeng, bakit Tindeng, ano ang kwento ng kabataan niya, ano ‘yung totoong pagkatao o buhay ni Marites? Ano ‘yung totoong ugat ni Tanggol? Ang kinaganda pa nito, napapanahon ang kwento natin kasi papasok tayo sa mundo ng politika.”

Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach ready nang ilabas ang isinulat na libro, may mga pasabog nga ba?

Natanong ang aktor-direktor at producer ng BQ kung nagbabasa siya ng mga komento sa socmed, lalo na kung hindi naman makakatulong sa programa.

Ang importante kay Coco, “Ang pinapakiramdam ko pag nananood ako, ‘yung pamilya ko, kung ano ‘yung reaction nila lalong lalo na yung lola ko, pag na e-excited at nagtatanong siya sa akin, siya ang pulso ko.”

Samantala, hiningan ng reaksyon si Coco nang magtala ng mahigit isang milyong concurrent viewers ang Batang Quiapo nitong nakaraang linggo sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

“Masarap sa pakiramdam halos for airing ‘yun eh, ‘yung kinukunan namin ‘yun eh, dahil pagkauwi namin, ‘yun ‘yung mga kinunan namin. Kumbaga alam namin yung hirap talaga.”

“Kapag ang isang bagay pinaghirapan mo, laging merong magandang kapalit. At ‘yun ang naging magandang kapalit,” sey ng aktor.

Ang episode na ipinalabas kaya umabot sa mahigit isang milyong viewers ang BQ ay ang paghaharap-harap nina Tanggol, Ramon Montenegro karakter ni Christopher de Leon, McCoy de Leon as David at Rigor na ginagampanan ni John Estrada.

Sabi ni Coco, “Ang tagal hinintay ng mga tao na magkita si Ramon at si Tanggol, kaharap pa sina Rigor, David at Marites. Kumbaga, minarkahan ko talaga. Sabi ko sa pagtatapos ng dalawang taon ng Batang Quiapo, gusto ko remarkable ‘yun. Hindi makakalimutan ng mga tao, kaya sinarado ko ang Book 1.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya abangan ang book 2 ng “FPJ’s Batang Quiapo” na kwento ni Tindeng naman ang mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z at TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending