'BQ' bakbakan to the max; 'Saving Grace' inaabangan na sa March 3

‘Batang Quiapo’ bakbakan to the max; ‘Saving Grace’ inaabangan na sa March 3

Reggee Bonoan - February 22, 2025 - 02:16 PM

'Batang Quiapo' bakbakan to the max; 'Saving Grace' inaabangan na sa March 3

SOBRANG intense ang episode ng “FPJ’s Batang Quiapo” kagabi, February 21, at sadyang inaabangan ito ng mga ka-BQ dahil umabot ito sa 1,004,554 concurrent views.

Yes, ito ang pinakamataas na naitalang views ng serye ni Coco Martin as Tanggol dahil sa paghaharap nila ng tunay niyang amang si Ramon Montenegro played by Christopher de Leon at kinagisnang amang si Rigor na karakter ni John Estrada at kapatid sa ina na si David na ginagampanan ni McCoy de Leon.

Bakbakan to the max talaga at kamuntik pang magpatayan sina Tanggol at Ramon pero inawat sila ni Cherry Pie Picache as Marites at pinatakas pa dahil nagdatingan na ang mga pulis kaya galit na galit si Rigor at pinakulong siya.

Siyempre itinakas ni Tanggol ang amang si Ramon kaya sila nakaalis sa Quiapo at nagpunta muna sa hide out pero nasundan sila ng mga awtoridad at sa Lunes, February 24, na ito mapapanood.

Baka Bet Mo: Christian biktima ng pang-aabuso; Julia lalaban para sa mga binubugbog

Nakakatuwa si Coco dahil sariling programa rin niya ang kalaban niya na habang umaandar ang mga araw ay pataas nang pataas ang concurrent viewers nito kaya naman buong Batang Quiapo Team ay sobrang nagpapasalamat sa lahat ng nag-aabang sa programa mula sa Dreamscape Entertainment at CCM Productions kasama na ang ABS-CBN Studios at ang buong cast ng BQ.

As expected, trending ang Batang Quiapo sa socmed kagabi at halos lahat naman ng nabasa naming komento ay nagugustuhan nila ang tumatakbong kuwento nito kaya excited ding abangan ang pagpasok ng mga bagong karakter sa pagbubukas ng ikatlong libro ng FPJ’s Batang Quiapo simula sa susunod na buwan.

Congrats Team BQ.

***

Lalong madudurog ang puso ng sambayanang Pilipino dahil buong-buo nang mapapanood ang “Saving Grace: The Untold Story” tampok ang ilang mga bagong eksena na pinagbibidahan nina Julia Montes, Zia Grace, at Sharon Cuneta.

Gabi-gabi itong ipapalabas sa primetime TV simula March 3 ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Handog ng “Saving Grace: The Untold Story” ang ilan pang mga makabagbag-damdaming eksenang hindi pa ipinapalabas noong nag-premiere ito sa Prime Video, kung saan namayagpag ito bilang numero unong show.

Napukaw ang damdamin ng mga manonood ng “Saving Grace” dahil sa mahusay na pagganap ng cast sa kwentong sumasalamin sa mga sakripisyo ng bawat ina para sa kani-kanilang mga anak.

Malaking rebelasyon din sa serye si Zia, kung saan binansagan siya ng mga manonood bilang next big child star ng Pilipinas.

Pinuri si Zia para sa kanyang natatanging pagganap sa isang batang inaabuso ng sariling ina.

Ang “Saving Grace: The Untold Story” ay tungkol sa pag-kidnap ni Anna (Julia) sa estudyante niyang si Grace (Zia) nang malaman niya ang pang-aabusong natatanggap nito mula sa sariling ina.

Mas lalong matutuklasan din sa serye ang iba’t ibang kwento sa likod ng masalimuot na nakaraan ng apat na nanay na ginagampanan nina Jennica Garcia, Janice De Belen, Julia, at Sharon.

Ito rin ang nagsisilbing primetime TV comeback nina Julia, Sharon, at Sam.

Tutukan gabi-gabi ang “Saving Grace: The Untold Story” simula ngayong March 3 sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z.

Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending