Charo, Jaime pakilig sa 'Batang Quiapo', nangangamoy loveteam

Charo Santos, Jaime Fabregas pakilig sa ‘BQ’, nangangamoy loveteam

Reggee Bonoan - June 05, 2024 - 11:40 AM

Charo Santos, Jaime Fabregas pakilig sa 'BQ', nangangamoy loveteam

Jaime Fabregas at Charo Santos

ALIW kami sa viral picture ni Ms. Charo Santos-Concio at ng veteran actor na si Jaime Fabregas na kuha sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo.”

Ipinalabas ang eksena kagabi, Martes kung saan sinamahan ni Don Facundo na karakter ni Jaime si Ms. Charo as Tindeng na mamalengke.

Ikinagulat ito ni Tindeng dahil sanay na sanay palang mamili sa palengke ang kanyang amo.

Baka Bet Mo: RR Enriquez pumalag sa pahayag ni Jaime Fabregas: ‘Di po tayo katulad ni Cardo na ‘di mamatay-matay!

Naikuwento ni Jaime habang namimili sila ni Tindeng na sanay siyang mamalengke at iba pang gawain dahil dati siyang mahirap at sinuwerte lang kaya nagkapera.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Charo Santos- Concio (@charosantos)


Makikita sa tingin ni Ms. Charo kay Jaime nang palihim na humanga siya sa amo dahil down to earth pala ito at gusto siya ng mga tao sa farm kung saan sila namalengke.

Napansin naman ito ni Don Facundo kaya’t nagkatitigan sila ni Tindeng.

Anyway, naaliw kami sa mga larawan ng dalawang veteran stars dahil positibo ang feedback ng manonood at ng netizens.

Baka Bet Mo: Jaime Fabregas kontra sa pagkakaroon ng ROTC: Teach our children to love their country!

Pinu-push din sila ng viewers na maging magka-loveteam bilang dagdag sa tambalan nina Lorna Tolentino at Sen. Lito Lapid, bukod pa kina Coco Martin at Ivana Alawi na ka-love triangle naman si Elijah Canlas.

Kamakailan lang ay naisulat naming dito sa BANDERA na halos lahat ng karakter ay nagampanan na ni Ms. Charo sa teleserye at pelikula  tulad ng lola, nanay, mahirap at mayaman.

Nabanggit pa naming hindi namin ma-imagine na magkakaroon ng ka-loveteam ang ehekutibo ng ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Charo Santos- Concio (@charosantos)


Pero heto, posible pala at cute ang facial expressions nina Tindeng at Don Facundo na ikinakilig ng manonood at kung matutuloy ito ay paano kaya napapayag ni Direk Coco ang dalawang veteran stars.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Speaking of “Batang Quiapo”, gabi-gabi ay may bagong kuwentong ihinahain si direk Coco kaya naman siksik ito ng commercials.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending