Angel: Basta ang alam ko ang mga Muslim ayaw ng violence, ayaw nilang nakakasakit ng kapwa | Bandera

Angel: Basta ang alam ko ang mga Muslim ayaw ng violence, ayaw nilang nakakasakit ng kapwa

Ervin Santiago - July 21, 2021 - 08:54 AM

HINDI kailanman ipinagyabang o ipinagsigawan ng Kapamilya actress na si Angel Locsin na nagmula rin siya sa isang matatawag na “royal family” sa Mindanao.

Marami ang hindi nakakaalam na bahagi si Angel ng isang nirerespeto at kinikilalang angkan sa Marawi City na matatagpuan sa Lanao del Sur.

Ito’y dahil nga never ipinangalandakan ng aktres at TV host ang tungkol dito. Hangga’t maaari nga raw ay ayaw niyang pinag-uusapan ito in public dahil tahimik at simple lamang ang buhay ng kanyang mga kapamilya sa Mindanao.

Sa chikahan nila ni Matteo Guidicelli sa podcast nitong “MattRuns”, muling naungkat ang pagkakaroon niya ng royal blood mula sa isang angkan sa Marawi City.

“Yung version na alam ko, ‘yung kinakalakihan ko is ‘yung mommy ko adopted sa Marawi. Napakabait nila sa amin, hindi pa ako artista.

“Dahil hindi naman kasi mayamang pamilya ang pamilya ko, nung naghihikahos ang lolo at lola ko, nagmagandang loob ‘yung princess ng Marawi and in-adopt ‘yung mommy ko. 

“Hanggang sa ako pinanganak na, nag-reach out talaga sila. Napakabait,” kuwento ng fiancée ng film producer na si Neil Arce.

Aniya, abot-langit ang pasasalamat niya sa kanyang pamilya sa Marawi dahil napakabuti raw sa kanya ng mga ito kahit na isa siyanh Christian.

“Kahit Kristiyano ako, walang issue, walang friction. Napaka-giving lang talaga nila,” sabi ng aktres.

“I am just really happy na parte sila ng buhay ko. Hanggang ngayon, kapag pumupunta ako sa Mindanao, nakaantabay na talaga ‘yung mga kamag-anak ko doon. 

“Kaya masakit sa loob ko kapag nakakarinig akong hindi maganda tungkol sa mga Muslim brothers natin kasi nakita ko kung gaano sila kabait.

“Kristiyano ako, pwede naman nila akong… kung totoo ‘yung sinasabi nilang it’s a war between religions, hindi, e. 

“Hindi ‘yun, e. Basta ang alam ko ang mga Muslim, ayaw ng violence, ayaw ng nakakasakit ng kapwa. Puro lang sila love,” pahayag pa ng Kapamilya star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, isa si Angel sa mga local celebrities na talagang todo ang pagtulong sa mga kababayan natin na naapektuhan ng Marawi siege noong 2017. Personal pa talaga siyang nagtungo roon para mamahagi ng ayuda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending