Bagong port sa Batangas naghahanap ng ‘skilled’ workers

#SerbisyoBandera: Bagong port sa Batangas naghahanap ng ‘skilled’ workers

Pauline del Rosario - April 25, 2024 - 04:23 PM

#SerbisyoBandera: Bagong port sa Batangas naghahanap ng ‘skilled’ workers

BAGONG bukas na negosyo? Nako, automatic niyan ay naghahanap sila ng mga empleyado.

Katulad na lamang ng bagong terminal and shipment port na itinayo sa Brgy. San Juan sa Mabini, Batangas – ang Mabini Batangas Premier Terminal Inc. (MBPTI).

Ayon sa presidente ng MBTI na si Dondon Portugal, marami ang pwedeng maging trabaho sa kanilang port bilang kailangan nila ng maraming manpower.

“Siguro more or less sa isang foreign shipment 50 to 80 skilled personnel ang kailangan namin –crane operator and other skilled workers na kinakailangan sa pagbaba at pag-akyat ng mga kargamento,” sey ni Portugal sa panayam ng BANDERA.

Bukod diyan, kailangan din nila ng mga “arrastre stevedoring” na nag-o-operate ng unloading or loading ng mga kargamento mula sa barko papunta sa port.

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: ‘Best Jail Officer’ kinilala sa San Juan City

Pagmamalaki ng presidente ng kumpanya, “Ito ‘yung napalaking tulong namin na makaka-generate ng jobs dito sa bago naming port and at the same time sa bago naming purchased na barko.”

Sa mga interesadong mag-apply, madali lang ang qualifications at requirements upang mapili sa trabaho.

“Number one ‘yung kanilang experience. ‘Yun ang pinakamahalaga,” saad ni Portugal.

Patuloy niya, “Basta’t skilled ka at may technical know-how ka sa pag-operate ng machines na nakalagay doon sa mga vessel, ‘yun lang siguro.”

“Marami naman talagang nangangailangan ng trabaho kaya matutulungan natin sila,” dagdag pa niya.

Noong April 18 nang maganap ang inauguration ng nasabing bagong shipment and port terminal, pati ng bagong barko na Hevicon 1 at kasabay niyan ay ang pagdiriwang ng ika-20th anibersaryo ng MAPTAN Logistics and Construction na isa pang negosyo ni Portugal.

Ilan lamang sa mga dumalo sa event ay ang mga opisyal na sina Batangas 4th District Representative Lianda Bolilia, Bauan Vice Mayor Ronald Cruzat, Batangas Board Member Claudette Ambida at ang barangay captains ng Taysan at San Juan.

Baka Bet Mo: Jodi mala-‘Masterchef’ sa bagong ganap sa life: ‘I’m learning new skills in cooking and baking’

#SerbisyoBandera: Bagong port sa Batangas naghahanap ng ‘skilled’ workers

Inamin ni Portugal na hindi niya inaasahang magkakaroon siya ng isang shipment and port terminal dahil ang forte ng kanyang negosyo ay nasa linya ng trucking logistics.

“Sa totoo lang, hindi namin naisip na magkakaroon kami nitong Mabini Batangas Premiere Terminal sa loob ng dalawampung taon…so dala lang siguro ng pagkakataon na nagtiwala ‘yung [iba pang] mga kumpanya na mapalawak ‘yung scope ng aming trabaho,” lahad ng businessman.

“Tapos ang purpose nitong port, maka-generate ng jobs at mas mapadali ‘yung pagshi-ship ng mga paparating namin na mga kargamento,” wika pa niya.

At dahil may sarili nang port ang kanyang kumpanya, matatawag nang “integrated service” ang kanilang offer.

Ibig sabihin, nagbibigay sila ng kumpletong serbisyo mula sa pagkuha ng raw materials at paghahatid sa mga daungan gamit ang mga truck hanggang papunta sa mga pabrika upang magawa ang finished products.

Ang MBPTI ay isa sa dalawang private commercial port sa Mabini, Batangas na nabigyan ng lisensya ng Philippine Ports Authority (PPA) na pinapayagang mag-cater ng iba’t-ibang kargamento mula sa iba’t-ibang lugar ng bansa.

Nabanggit din ni Portugal na bukod sa bagong port ay kinakailangan din nila ng mga bagong empleyado para sa itatayo naman nilang bagong pabrika sa Batangas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isanlibong mga trabaho raw ang bubuksan nila kung saan ang hiring at recruitment ay mag-uumpisa na sa darating na Hulyo hanggang Agosto.

“Ang qualifications lang naman ay skilled pa rin at ‘yung may technical know-how sa pagtatrabaho sa isang factory at sa tingin ko naman ay marami ang qualified na mga Batangueno,” lahad ng presidente ng MBPTI.

Aniya pa, “Ang mga priority ay mga taga-Taysan, taga-San Pascual, at kapag wala na tayong makuha sa mga bayan na ‘yan, tsaka tayo kukuha sa iba’t-ibang karatig na bayan dito sa lalawigan ng Batangas.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending