Vilma nanguna sa pagdiriwang ng ‘Barako Festival 2024’, dinagsa ng celebs
SA ikalawang taon ng selebrasyon ng Barako Festival ngayong 2024 ay masasabing ito ang pinakamalaki dahil maraming highlights mula kahapon, Marso 14 hanggang bukas, Marso 16.
Ang Star For All Seasons na si dating Congresswoman Vilma Santos–Recto ang nanguna sa opening ng Barako Fest 2024 kasama ang anak na si Ryan Christian Santos-Recto, pati ang lahat ng kongresista, mayors, vice mayors at councilors ng nasabing lalawigan.
Ayon kay Ate Vi ay suportado niya ang Barako Festival 2024 at ipinagmamalaki niya ito para sa kapwa Batangueno.
Aniya, “Barako Fest is not just a celebration of our Barako spirit but also a showcase of hard work, ingenuity, entrepreneurship, and passion of our people in Batangas. We are excited to share our culture, our traditions, and our indomitable Barako spirit with the world.”
Baka Bet Mo: Sharon, Gabby binalak magkaroon ng 8 anak; sinagot ang tanong na, ‘Mahal n’yo pa ba ang isa’t isa?’
Ginanap ito sa Royal Estate with 20 hectares, 12 festivals in ONE Batangas para ma-accommodate ang mga sumusunod:
ART FEST: para maipakita ang creativity pagdating sa art installation at art exhibits ng Batangueño artists sa pangunguna ni Mr. Joseph Albao awith world-renowned artist at curator, Mr. Kawayan De Guia.
TRADEFEST: para ipatikim sa lahat ang best delicacies at produkto mula sa iba’t ibang bayang sa buong Batangas.
PLAYFEST: kung saan mage-enjoy sa inflatables, go karts, at fun games ang mga bata at kids at heart kasama ang buong pamilya.
FOODFEST: may 400 stalls para sa non-food at food concessionaires mula sa buong lalawigan ng Batangas para sa mga dadalo ng event.
DRIFT FEST: Marvel drift exhibition na ipapakita ng mag-aamang Father-Daughter sina Dr. Drift Andel Sison, Drift Ashley Sison at Drift Audrey Sison.
CONTENT CREATOR FEST: Meet and greet kasama ang mga sikat na content creators tulad nina Boss Toyo, Von Ordoña, Dane Grospe, Cherry White, Whamos, Pio Balbuena, Toni Fowler, Ava Mendez, Sachzna Laparan, Ato and friends, Jayzar Recinto, at Bisaya Squad.
Baka Bet Mo: DonBelle, FranSeth, KDLex, ilan pang couples nagningning sa Star Magical Prom
E-SPORTS FEST: Experience the thrill and be part of this epic Mobile Legends Competition hosted by e-sports personality – Renejay and Dogie.
DIRT FEST: Dive into the heart-pounding world of off-road adventure with our motocross team headed by our invited expert riders from Mindanao.
CAR FEST: Satisfy your motorhead with a celebration of car and motorcycle models that will be on display for enthusiasts to feast their eyes on.
SPORTS FEST: sport action that includes 3×3 and 3-point shoot-out competition participated by 66 barangays in Lipa City. Ang participants ay ang Single Elimination Tournament between Batang Recto vs Billionaires Gang and GBoys VS RHM All Star.
BATTLE OF THE BANDS: opening rock salvo para sa professional at amateur bands galing sa iba’t ibang parte ng bans ana para sa premyong Php 100,000.00, Php 50,000.00, at Php 25,000.00
MUSIC FEST: ang pinaka-highlight of Barakofest 2024,ay ang concerts mula sa kilalang personalidad sa larangan ng music fun kung saan mapapanood ang mga kilalang DJs at sought-after artists and legendary bands para sa two-night musical experience. Ang iba pang performers ay sina Juan Karlos, Arthur Nery, Al James, Nik Makino, December Ave at Vice Ganda.
Ang BarakoFest 2024 ay handog ng Talino at Puso Team na inorganisa ng Mentorque Productions sa pangunguna ni John Bryan Diamante in partnership with San Miguel Corporation at Angkas supported by various local businesses and stakeholders.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.