Vilma Santos itinangging pinayuhan si Claudine na magdemanda

Vilma Santos itinangging pinayuhan si Claudine Barretto na magdemanda

Reggee Bonoan |January 05,2024
facebook
share this

Vilma Santos itinangging pinayuhan si Claudine Barretto na magdemanda

Reggee Bonoan - January 05, 2024 - 09:43 PM

Vilma Santos itinangging pinayuhan si Claudine Barretto na magdemanda

Vilma Santos at Claudine Barretto

ITINANGGI raw ni Vilma Santos na pinayuhan niya si Claudine Barretto na idemanda ang estranged husband nitong si Raymart Santiago base sa pahayag ni Nanay Cristy Fermin sa radio program nila ni Romel Chika na “Cristy Ferminute” kaninang tanghali.

Sinulat namin dito sa BANDERA ang panayam ni Claudine sa YouTube channel na “Luis Listens” ni Luis Manzano kahapon, Huwebes ay nabanggit nga niya na sinabi raw sa kanya ni Ate Vi, “Magdemanda ka, ipaglaban mo ang pagiging nanay mo, ipaglaban mo ‘yung pagiging asawa mo, ipaglaban mo lahat ‘yun, kunin mo kung ano ‘yung nawala sa ‘yo!”

Marami ang nagsulat ng panayam na ito ni Claudine sa anak ni Ate Vi at ‘yung iba ay kinowt ang aktres kung ano mismo ang sinabi o ipinayo sa kanya ng nag-iisang Star for All Seasons.

Bungad ni ‘nay Cristy sa CFM, “Ito po ay tungkol sa interview ni Luis Manzano kay Claudine Barretto. Nagkakaroon po kasi ng hindi kagandahang interpretasyon tungkol sa Star for All Seasons na si Ms Vilma Santos.

“May mga namba-bash pa na bakit daw si Ate Vi pa ang nagtulak kay Claudine na idemanda si Raymart Santiago? Ito po mga Kapatid ay isang paglilinaw. Lahat naman po tayo ay nakasaksi tungkol dito sa interview nina Luis at Claudine.

“Ikinuwento po ni Claudine na sila ni Vilma Santos ay super close maging sila ni Edu Manzano, kung baga ‘tagapagligtas’ pa nga ang tawag niya sa maraming pagkakataon na down na down siya sa kanyang buhay.

“Maaring nagkuwento si Claudine kay Ate Vi at sabi naman ni ate Vi bilang anak-anakan niya si Claudine, ‘tama ‘yun magtrabaho ka pero kunin moa ng para sa ‘yo, paglaban moa ng para sa ‘iyo. Hindi naman siya nagsabing, ‘sige Claudine idemanda mo si Raymart, bawiin mo ‘yung mga kinuha niya sa ‘yo, wala pong ganu’n!

Baka Bet Mo: Claudine kay Raymart: Mga anak na natin ang tinitira at sinasaktan mo

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ayusin po natin ang senaryong ito dahil nalalagay po si ate Vi sa isang sitwasyon na hindi naman niya ginawa, di ba? (tanong kay Romel chika).”

Sagot naman ng co-host, “Opo, ako nga nagulat din na close pala sina ate Vi at saka si Claudine. Alam mo ‘yung di bap ag close moa ng isang tao, masasabi mo ‘yung ‘o ganito kung ang gusto mong gawin ay ipaglaban mo ‘yung mga nararapat na sa’yo at para sa mga anak mo.”

Susog ni ‘nay Cristy, “at saka si Claudine ang nagkukuwento sa kanyang nanay-nanayan, sa kanyang idolo at nakasama sa pelikulang Anak at mula no’n ay naging close na sila. Siya (Claudine) siya ‘yung nagkukuwento, alangan namang si ate Vi dedmahin ‘yung kausap niya?

“Nasabi ni Claudine na’ eto nga eh, nalaman ko na lang winidrow niya ‘yung pera ko na P116 million st itinira lang sa akin P25,000. Tapos ang ibinalik lang sa akin ay P7 milyon kasi hinahanap pa niya (Raymart) kung kani-kanino niya ipinatago ‘yung ibang nawala , isang bangko palang ‘yung ate Vi’ sabi siguro niya.

“Natural anong sasabihin ni ate Vi di ba? E, hindi naman talaga parehas ‘yung ganu’n laban. Sabi niya (Vilma) siguro, o hayan magtrabaho ka, sayang ‘yung panahon, kunin moa ng para sa ‘yo, ipaglaban mo, ‘yun ‘yun!

Baka Bet Mo: Krystal Mejes waging best actress sa Paris Film Awards, wish makatrabaho si Vilma Santos

“Ngayon may nababasa ako na si ate Vi raw ang nagtulak o nag-udyok daw kay Claudine Barretto para idemanda po si Raymart, wala pong ganu’n. napakalinaw po ng sinabi ni ate Vi na ipaglaban moa ng para sa ‘yo, kunin moa ng para sa ‘yo!”

Bilang isa kami sa nagsulat sa panayam na ito ni Claudine kay Luis ay wala po kaming mako-komento kundi panoorin na lang ninyo ang YT channel ng TV host at kayo na ang humusga.

Samantala, nabanggit din ni Claudine na nag-file siya ng annulment pero base naman sa kuwento ni Ogie Diaz sa vlog nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh na Showbiz Update na in-upload kaninang hapon habang nasa New York City, USA sila ay walang katotohanan ito.

Baka Bet Mo: Dolly de Leon super fan ni Jodi Sta. Maria: Gusto ko rin siyang makatrabaho, pati si Ms. Vilma Santos at Jericho Rosales’

Say ni Ogie, “sabi ng aking source, nagfile raw noon si Claudine, pero sa piskalya palang daw, e, na-dismiss na! Kasi napatunayan na nagbibigay naman ng sustento si Raymart. Kaya hindi totoo yung sinasabi ni Claudine na hindi nagbibigay ng sustento si Raymart.

“Kaya nagtataka ‘yung kausap ko kung bakit sa social media nagsusumbong si Claudine bakit hindi na lang niya i-file kung may kaso siya kay Raymart? Walang ikinaso si Claudine, si Raymart daw ang ag file ng annulment.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hmm.. naguluhan na kami, itinanggi ni Ate Vi na nagsabi siyang magdemanda si Claudine at idi-deny din ni Raymart na nag file ng annulment ang estranged wife bagkus siya raw ang nag file base sa source ni Ogie.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Claudine tungkol dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending