Krystal Mejes waging best actress sa Paris Film Awards

Krystal Mejes waging best actress sa Paris Film Awards, wish makatrabaho si Vilma Santos

Pauline del Rosario |October 23,2023
facebook
share this

Krystal Mejes waging best actress sa Paris Film Awards, wish makatrabaho si Vilma Santos

Pauline del Rosario - October 23, 2023 - 05:00 PM

Krystal Mejes waging best actress sa Paris Film Awards, wish makatrabaho si Vilma Santos

PHOTO: Instagram/@krystalmejes_

SA edad 15, bumabandera na agad ang talento at pangalan ng rising star na si Krystal Mejes sa international scene.

Siya kasi ang kinilalang “Best Actress” para sa mahusay niyang performance sa short film na “Matapang” directed by Léa-Jade Horlier.

Ang nasabing parangal ay napanalunan niya sa naganap na Paris Film Awards.

Ang naging papel ni Krystal sa nasabing short film ay bilang si “Mary Ann,” isang batang babae na lumalaban para mabuhay sa mahirap at magulong lugar ng Angeles City, Pampanga.

Gumanap siya bilang anak ng isang prostitute na ginampanan ni Alessandra de Rossi.

Baka Bet Mo: Vilma 60 years na sa showbiz: Imortal na ang Dyesebel at Darna na everytime pag-uusapan ‘yun, mababanggit ako…

Mapapanood sa pelikula na nais baguhin ni Mary Ann ang takbo ng kanyang buhay kaya naman pinilit niyang hanapin ang kanyang ama.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Krystal na hindi siya makapaniwala sa nakuha niyang pagkilala.

Kasabay niyan ay lubos niyang pinasalamatan ang lahat ng suporta at tiwala na ibinigay sa kanya.

“We did it everyone!! We just won best actress in Paris film festival awards!! I’m beyond grateful for this blessing,” wika niya sa IG.

Caption pa niya, “Maraming maraming salamat po sa lahat ng tiwala, pagmamahal at suporta na binigay nyo po sa’kin.”

“I still can’t believe it!! It feels so surreal and too good to be true. Thank you to everyone who has been part of this success,” ani pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Krystal Mejes (@krystalmejes_)

Bukod sa looking forward ang 15-year-old actress sa kanyang upcoming project sa susunod na taon, hoping din daw siyang makatrabaho ang batikang actress na si Vilma Santos.

‘Yan ang mga ibinunyag ni Krystal matapos siyang makapanayam ng ABS-CBN at tanungin kung sino sa mga artista ang pangarap niyang makasama.

“Ang dami po,” unang sagot niya.

Dagdag pa niya, “mostly mga veteran actors kasi mahilig talaga ako manood ng mga old films ‘saka because I grew up in a traditional Filipino household na alam mong pinapanood si FPJ, gano’n.”

“So siguro po it would be Ms. Vilma Santos,” sey ni Krystal.

Kung maaalala, si Krystal ang dating child star na gumanap bilang Rebecca o Becca, ang anak ng aktres na si Julia Montes sa Kapamilya TV series na “Doble Kara” umere sa ABS-CBN noong 2015.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vilma Santos nanawagan sa mga fans na suportahan si Ate Guy: There is a time for everything

Heart dedma pa rin kay Chiz, hirit sa pagbabalik-Pinas: I’m back with a vengeance, welcome to the season 3 of my life!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending