'Anak' ni Julia Montes dalagita na, hirit ng netizens: 'Magkamukha sila, magaling din sa aktingan!' | Bandera

‘Anak’ ni Julia Montes dalagita na, hirit ng netizens: ‘Magkamukha sila, magaling din sa aktingan!’

Ervin Santiago |March 30,2023
facebook
share this

‘Anak’ ni Julia Montes dalagita na, hirit ng netizens: ‘Magkamukha sila, magaling din sa aktingan!’

Ervin Santiago - March 30, 2023 - 07:14 AM

'Anak' ni Julia Montes dalagita na, hirit ng netizens: 'Magkamukha sila, magaling din sa aktingan!'

Krystal Mejes at Julia Montes

HOT topic at trending ngayon sa social media ang tungkol sa “anak” ng Kapamilya actress at rumored dyowa ni Coco Martin na si Julia Montes.

No, hindi naman ito ang natsitsismis na baby daw nina Julia at Coco kundi ang tungkol sa “anak” ng aktres sa ginawa niyang teleserye noon sa ABS-CBN na “Doble Kara”.

Ang tinutukoy sa viral tweet ay ang dating child star na si Krystal Mejes na gumanap ngang anak ni Julia sa naturang Kapamilya TV series na umere sa ABS-CBN noong 2015.

Gumanap si Krystal bilang si Rebecca o Becca na anak ng isa sa mga kambal na karakter ni Julia sa dating afternoon series na “Doble Kara.”

Baka Bet Mo: Bong sumabak sa matinding training para sa Agimat Ng Agila: Hindi ko talaga maiiwan ang showbiz

Nagulat kasi ang mga netizens na dalagita na pala si Krystal at napakaganda ring bata. Ayon sa nabasa naming comments, sana raw ay mabigyan uli ng projects ang bagets sa ABS-CBN.


Ibinahagi ng Twitter user na si @auntieselinamo ang litrato ni Krystal na nakakuha ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens, kabilang na riyan ang fans ni Julia.

“Ganda ng bata na ‘yan, nakalimutan ko yung show tanda ko na bida ay si Mikmik.”

“Magaling din ito sa aktingan. I hope di pabayaan ng ABS-CBN.”

“Nakakaloka kamukha ni Julia Montes.”

“Ang gandang bata at magaling din sa actingan. Sana mabigyan ng ne project.”

“Dalaga na siya. Sana ipagpatuloy niya ang pag artista.”

Julia Montes sa bahay na ni Coco Martin nakatira?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden vs Tom: aktingan showdown sa ‘The World Between Us’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending