Julia Montes mas bet ang 'happy life' kaysa 'perfect life', may pinagdaraanan nga ba? | Bandera

Julia Montes mas bet ang ‘happy life’ kaysa ‘perfect life’, may pinagdaraanan nga ba?

Reggee Bonoan |March 10,2023
facebook
share this

Julia Montes mas bet ang ‘happy life’ kaysa ‘perfect life’, may pinagdaraanan nga ba?

Reggee Bonoan - March 10, 2023 - 06:41 PM

Julia Montes mas bet ang 'happy life' kaysa 'perfect lie', may pinagdaraanan nga ba?

USAPAN sa ilang showbiz events ang pinost ni Julia Montes sa kanyang Instagram stories kamakailan na, “I don’t want a perfect life, I want a happy life.”

Actually, nabasa namin ito at kaagad naming tinanong ang handler niyang si Mac Merla ng Cornerstone Entertainment na nagtataka sa tanong namin kung may pinagdadaanan ang aktres.

“Wala naman. Magkasama kami kanina, quote lang iyon na nagustuhan niya kasi sakto naman talaga na hindi natin need ng perfect life but ang important is happiness,” mensahe sa amin ni Mac through viber.

Naniniwala kami sa pahayag na ito ng handler ni Julia dahil wala naman talagang perfect life kundi happy life lang ang mayroon at naniniwala kaming masayang-masaya ang aktres ngayon.

Ang nakakaaliw ay ginawa tuloy ehemplo ang post na ito ni Julia sa ginanap na launching ng fun-seryeng “Team A” ng real life couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles na mapapanood simula sa Marso 18, tuwing Sabado, 9:30 pm sa TV5 at catch-up episodes sa darating na Marso 19, tuwing Linggo, 9:00 pm sa Sari Sari Channel Cignal Channel 3.

Muli naming tinanong si Mac habang sinusulat namin ang balitang ito kung may paliwanag si Julia kung bakit niya ito pinost at kung may reaksyon siya kasi nga viral na ito.

Baka Bet Mo:  Julia Montes sa bahay na ni Coco Martin nakatira?

Sagot ng handler ng aktres, “Wala ako mabigay na statement kasi wala namang problema. It’s just a quote na nagandahan siya (Julia).”

Anyway, samu’t sari na ang reaskyon ng netizens na kaya raw siguro ganito ang post ni Julia ay dahil parinig ito sa rumored boyfriend niyang si Coco Martin na alam naman ng lahat na super busy ito sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo” na baka wala nang panahon ang aktor sa kanya.

Tinalakay ito kaninang 1PM sa programang “Cristy Ferminute” nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika na napakinggan sa Radyo5 92.3 News FM binasa ng una ang post ni Julia na ‘I don’t want a perfect life, I want a happy life’ at nabanggit nga na nabulabog na naman ang netizens.

“Ito ang deklarasyon sa post ni Julia Montes. Natural, nabulabog na naman ang mga Marites sa ating bayan. Ano kaya ang pinagdadaanan ni Juls? May problema kaya sila ni Coco Martin? Mayroon kaya siyang ipinagsisintir dahil hindi gaanong gumagalaw ang kanyang karera? Hindi raw niya gusto ng perpektong buhay, gusto raw niya masayang buhay. Ano nga kaya ang pinagdadaanan, Romel?” pahayag ni ‘nay Cristy.

Sagot naman ng co-host nitong si Romnel Chica, “Feeling ko ‘nay ito na ‘yung hinahanap-hanap niya di ba alam naman nating si Julia ay galing sa broken family din na baka ganito rin ang mangyari kasi sa sobrang busy ni Coco parang walang oras sa kanila, di ba?”

Pero kaagad itong sinangga ni ‘nay Cristy na hindi siya naniniwalang walang oras at panahon si Coco kay Julia.

“Hindi ako naniniwala diyan! Alam ko may sapat at sobra pang oras si Coco kay Julia. Palagay ko ano lang, di ba tayo kung minsan merong biglang papasok sa isip natin. Iba lang po kasi ang buhay ngayon at senaryo ngayon dahil mayroon ng social media.

“Dati naman talaga ugali rin natin ‘yun na bigla na lang tayong papasukin ng kalungkutan ng melankolya, bigla na lang maiisip na ‘hindi ako masaya’ parang ganu’n.

“Ngayon lang kasi wala na pong maitatago na kapag nag-post ang personality agad ng merong paghusga mula sa mga netizens,”paliwanag ng batikang manunulat at online host.

Dugtong naman ni Romel Chika, “at saka kasi nagbukas na naman si Julia ‘nay nagdo-double meaning na naman ito, gandang meaning, pangit na meaning. Bahala ka kung ano ang interpretasyon mo dito. Wish lang naman ni Julia iyon, wala naman siyang ibig sabihin.”

Hirit ni nanay Cristy, “oo nga, kaya lang para sa ating mga kababayan, cryptic na naman iyon, di ba? Wala naman po siguro bunga lang ng malikot na isip, gusto kong maging ganito, gusto kong maging ganyan, ayoko ng ganito, ayoko ng ganu’n. Wala, wala akong nakikitang problema dito sa mag-dyowang ito!”

Malalaman soon kung bakit gusto ni Julia ng happy life both career at personal life.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Julia Montes walang angal kahit nagkasugat-sugat sa maaaksyong eksena sa ‘Topakk’: ‘She’s a pearl under the deepest sea’

Ano nga ba ang ireregalo ni Coco Martin kay Julia Montes ngayong Valentine’s Day?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending