Ano nga ba ang ireregalo ni Coco Martin kay Julia Montes ngayong Valentine's Day? | Bandera

Ano nga ba ang ireregalo ni Coco Martin kay Julia Montes ngayong Valentine’s Day?

Reggee Bonoan |February 14,2023
facebook
share this

Ano nga ba ang ireregalo ni Coco Martin kay Julia Montes ngayong Valentine’s Day?

Reggee Bonoan - February 14, 2023 - 12:25 PM

Ano nga ba ang ireregalo ni Coco Martin kay Julia Montes ngayong Valentine's Day?
NABITIN naman kami kay Coco Martin sa sagot niyang “singsing” ang ibibigay niya kay Julia Montes ngayong araw, Valentine’s Day dahil akala namin ay aaminin na niya kung ano ang real score nila ng aktres.

Pero inamin niyang, “Kasi si Juls, ano talaga, eh, sobrang espesyal sa akin.”

Sa sinabing sobrang espesyal ni Julia kay Coco ay alam na this. Hindi na siguro kailangan pang aminin ng pormal, kung baga inuunti-unti na mismo ng aktor.

At si Julia naman ay puro ngiti lang din ang sagot niya kapag natatanong ang aktor sa kanya maliban doon sa vlog ng asawa ni Dimples Romana na si Boyet Ahmee kung saan inilarawan ng aktres kung ano ang tipo ng lalaking nagpapasaya sa kanya at lahat ay akmang-akma sa bida ng “Batang Quiapo”.

Sa guesting kasi ni Coco sa teleradyong “Sakto” hosted by Amy Perez, Johnson Manabat at Jeff Canoy kamakailan ay nakatuwaang tanungin ang aktor kung ano ang ibibigay niyang regalo sa past leading ladies niya ngayong Araw ng mga Puso.

Surf board ang sagot ng aktor na ibibigay niya kay Andi Eigenmann na leading lady niya sa “Minsan Lang Kita Iibigin” (2011) at kasalukuyang naninirahan ngayon sa Siargao kasama ang dalawang anak at fiancé na si Philmar Alipayo.

Bakit surf board, “Sobra akong natutuwa sa kanya. Kitang-kita kung gaano siya kaligaya, maayos ‘yung family niya, inaanak ko ‘yung anak niya, kumpare niya (ako). Sobrang bait niyan,” sagot ni Coco.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)

Si Maja Salvador na nakasama niya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” season 1 ay plane ticket dahil malapit nang ikasal sa fiancé nitong si Rambo Nunez, sabay bati ni Coco ng, “Best wishes and congrats.”

At si Julia ang ikatlong tinanong at singsing nga ang nabanggit niya na kinantiyawan ni Amy at umingay ang mga nasa loob ng studio.

Massage chair naman ang sabi ni Coco para kay Erich Gonzales na naging leading lady niya sa “Juan Dela Cruz” noong 2013 dahil panatag na ang buhay niya.

Kay Kim Chiu nan aka-work niya sa “Ikaw Lamang” (2014) ay pagkain dahil mayaman na ito at wala ng maisip pa ang aktor kung ano ang puwede niyang ibigay na wala pa sa aktres.

Dahil nagdi-direk na si Bela Padilla na leading lady ng aktor sa “FPJ’s Ang Probinsyano” season 2 ay camera ang give ni Coco

Bilang health buff si Yassi Pressman na ikalawa sa huling leading lady ni Coco sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay gym equipment daw ang ire-regalo niya.

Ang current leading lady ni Coco na si Mokang played by Lovi Poe sa “FPJ’s Batang Quiapo” ay bibigyan niya ng Jeep dahil mahilig mamasyal ang anak ni Da King, Fernando Poe, Jr.

Related Chika:
Julia Montes sa bahay na ni Coco Martin nakatira?

Coco Martin nailang sa ‘rape scene’ nila ni Miles Ocampo sa ‘Batang Quiapo’: ‘Baby-baby ko kasi talaga siya’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia Montes umaming super in love ngayon; ‘yes’ agad ang sagot kapag niyayang pakasal

Confirmed: Coco Martin, Lovi Poe magtatambal sa remake ng ‘Batang Quiapo’ nina FPJ at Maricel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending