Vilma Santos nanawagan sa mga fans na suportahan si Ate Guy: There is a time for everything
MARAMI sa mga tagasuporta ni Star for All Seasons na si Vilma Santos ang pawang nalungkot matapos itong hindi mapasama sa listahan ng mga idineklarang National Artist ngayong taon.
Kahapon, June 10, ay inanunsyo ni ni National Commission for Culture and Arts Chairman Nick Lizaso ang walong indibidwal na hinirang bilang mga national artists. Ito ay sina Nora Aunor (Film), Ricky Lee (Literature), Agnes Locsin (Dance), Gémino Abad (Literature), Fides Cuyugan-Asensio (Music), at ang mga yumaong sina Tony Mabesa (Theater), Salvacion Lim-Higgins (Fashion), at Marilou Diaz-Abaya (Film).
Sa kanilang group chat ng mga Vilmanians, tawag ng beteranang aktres sa kanyang mga tagasuporta, ay nag-send siya ng mensahe.
“Huwag na kayo maging malungkot. Naniniwala ako na sa mundong ito, if anything is meant to happen, it will find its way,” saad ni Vilma.
Dagdag pa niya, “And yes, there is always a time for everything.”
Nagpasalamat naman ang Star for All Seasons sa walang sawang pagsuporta sa kanya ng mga fans.
“Maraming salamat sa inyo dearest Vilmanians sa patuloy at walang humpay ninyong pagsuporta sa akin. Mahal na mahal ko kayong lahat,” sey ni Vilma.
Aniya, dapat raw ay bigyan ng pagpupugay ang mga bagong inanunsyong mga national artists dahil deserving ang lahat ng ito sa parangal.
View this post on Instagram
“Bawat isa sa kanila ay may angking galing at talino na lubos na kahanga-hanga. I sincerely congratulate all of them. Mabuhay kayo mga Vilmanians!”
Noon pa man ay talaga namang kilala na bilang “magkaribal”sina Vilma at Nora lalo na noong kapnahunanan pa nila noong 1970s hanggang 1980s.
At kahit sila mismo ay aware sa “rivalry” sa pagitan nilang dalawa pero maayos naman ang samahan ng dalawa at sa katunayan ay naging magkaibigan pa nga sila kahit na may warlahan sa pagitan ng kanilang fans.
Ang tawag sa mga taga suporta ni Nora ay mga Noranians.
Ilan sa mga pelikulang pinagsamahan nina Vilma at Nora ay ang “Ikaw Ay Akin” at “T-Bird at ako”.
Related Chika:
Vilma 60 years na sa showbiz: Imortal na ang Dyesebel at Darna na everytime pag-uusapan ‘yun, mababanggit ako…
Vilma sa relasyon nina Edu at Cherry Pie: I’m happy, I wish them the best
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.