Vilma sa relasyon nina Edu at Cherry Pie: I'm happy, I wish them the best Bandera

Vilma sa relasyon nina Edu at Cherry Pie: I’m happy, I wish them the best

Therese Arceo |December 22,2021
share this

Vilma sa relasyon nina Edu at Cherry Pie: I’m happy, I wish them the best

Therese Arceo December 22, 2021 - 06:24 PM

Vilma sa relasyon nina Edu at Cherry Pie: I'm happy, I wish them the best

NAGSALITA na si Vilma Santos patungkol sa relasyon ng kanyang dating asawa na si Edu Manzano sa kapwa artistang si Cherry Pie Picache.

Sa latest vlog ni Luis Manzano na pinagatang “Luis Listens” kung saan unang guest niya ang ina ay walang paligoy-ligoy na tinanong nito ang ina kung ano ang masasabi nito ukol kina Edu at Cherry Pie.

Tila nabigla naman si Ate Vi sa walang prenong pagtatanong ng anak.

“Alam mo, grabe ka! Ang dami daming tumatawag sa akin, nag-iinterview. Hindi ko sinasagot, anak. Sabi ko ‘I don’t want… ayokong mangiam sa issue na ‘yan,'” sagot ni Vilma.

Singit naman ni Luis, kaya nya naitanong ito sa kanyang momski ay ito ang magiging guests niya sa kanyang susunod na episode.

Matapos marinig ni Vilma ang sinabi ng anak ay tila na-excite ito.

“Oh really? Oh my God! That’s good to hear!

“What’s important, I guess, is pwede ko lang i-share na I’m happy. I am happy.

“You know naman si Eduardo, your dad, and Pie is a very close friend of mine,” sagot ni Ate Vi.

“At this point in time ng buhay natin, ang pinakaimportante lang is nandidyan ang respeto at pagmamahal. So I wish them all the best,” dagdag pa ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

Taong 1980 nang mangyari ang civil wedding nina Vilma at Edu sa Las Vegas, Nevada.

Isang taon matapos magpakasal ay pinagkalooban sila ng isang anak na si Luis.

1982 naman nang tuluyan nang ma-annul ang kasal ng dalawa.

Samantala, mukhang nabuo naman ang pagmamahalan nina Edu at Cherry Pie nang magsama sila sa Kapamilya teleserye na “Marry Me, Marry Ypu” bilang mga magulang ni Paulo Avelino.

Nobyembre naman ng taong ito nang umamin si Edu patungkol sa kanilang relasyon ng beteranang aktres. Ito ay inamin ng aktor da broadcaster na si Cheryl Cosim sa isang text message.

 

Related Chika:
Relasyong Cherry Pie, Edu aprub sa mga celebs pero ninega ng ilang bashers
Anak ni Cherry Pie botong-boto kay Edu: Tsaka malaki na si Mom, alam na niya ginagawa niya

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending