Anak ni Cherry Pie botong-boto kay Edu: Tsaka malaki na si Mom, alam na niya ginagawa niya Bandera

Anak ni Cherry Pie botong-boto kay Edu: Tsaka malaki na si Mom, alam na niya ginagawa niya

Ervin Santiago |December 05,2021
share this

Anak ni Cherry Pie botong-boto kay Edu: Tsaka malaki na si Mom, alam na niya ginagawa niya

Ervin Santiago December 05, 2021 - 02:36 PM

Nio Tria, Cherry Pie Picache at Edu Manzano

KUNG na-shock si Luis Manzano nang malamang magdyowa na ang amang si Edu Manzano at Cherry Pie Picache, tanggap naman ng anak ng aktres ang relasyon ng  celebrity couple.

Botong-boto si Antonio “Nio” Tria sa pagmamahalan nina Cherry Pie at Edu at alam naman daw niya sa simula pa lang ang love story ng dalawang “Marry Me, Marry You” stars.

“Actually, hindi naman po ako surprised. Kasi alam ko naman po na nililigawan na ni Tito Edu yung mom ko,” ang pahayag ni Nio sa  Kapamilya Chat ng ABS-CBN Entertainment sa YouTube.

Nakasama ng binata sa nasabing vlog sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin para sa promo ng original iQiyi at ABS-CBN series na “Saying Goodbye”.

Sey pa ni Nio, “Kasi alam ko naman po na nililigawan na ni Tito Edu yung mom ko. Nu’ng nalaman ko na nabalita na, ‘Ah, ok, good, nabalita na. Sana okay yung reaction ng mga tao or yung mga Kapamilya.’”

Aprub na aprub ang baguhang Kapamilya youngstar sa relasyon ng kanyang ng ina at ni Edu, “Oo, approve ako. Siyempre sinu-support ko yung mom ko. Kasi siyempre malaki na siya, e. Alam na niya ang mga ginagawa niya.”

Natatawa pa niyang hirit, “Matanda na siya, alam na niya yun. Ako naman, siyempre Mama’s boy ako, siyempre she deserves her own happiness din, di ba?

“I mean, yung pagkakaroon ng relationship with someone else doesn’t remove the fact that she is still my mom, di ba?

“Siyempre, woman pa rin siya. She deserves love. I just want my mom to be happy kaya support ako sa kanya, support ako sa kanila,” aniya pa.

Nauna rito, sinabi nga ni Luis na nagulat siya nang malamang girlfriend na ni Edu si Cherry Pie, “Sobrang, ano… we were caught off guard. Talagang no one saw it coming. I don’t even think dad and Tita Pie saw it coming.”

May kaibigan daw na nag-send sa kanya ng litrato nina Edu at Cherry Pie, “Date night yata sila. So, I sent back the picture to Daddy. I said na, ‘Oy, Daddy, ano ka, ha, happy boy ka, ah.’”


Kinumpirma naman daw ito agad ni Edu at sinabing super happy siya sa piling ni Cherry Pie.

Ibinandera nina Edu at Cherry Pie ang kanilang relasyon nitong nagdaang Nov. 19. Nagsimula ang love story nila nang magkasama sa Kapamilya teleserye na “Marry Me, Marry You.”

Pinusuan naman ng mga netizens at celebrity friends ng magdyowa ang kanilang mga sweet photos na kuha habang nagbabakasyon sila sa Amerika.

Relasyong Cherry Pie, Edu aprub sa mga celebs pero ninega ng ilang bashers

Cherry Pie, Edu inamin na ang relasyon sa madlang pipol

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending