Relasyong Cherry Pie, Edu aprub sa mga celebs pero ninega ng ilang bashers Bandera

Relasyong Cherry Pie, Edu aprub sa mga celebs pero ninega ng ilang bashers

Ervin Santiago |November 29,2021
share this

Relasyong Cherry Pie, Edu aprub sa mga celebs pero ninega ng ilang bashers

Ervin Santiago - November 29, 2021 - 05:35 PM

Cherry Pie Picache at Edu Manzano

MAY mga namba-bash at nambabastos sa pagbandera ng relasyon nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache pero mas marami pa rin ang natutuwa at nagko-congratulate sa magdyowa.

In fairness, talagang proud na proud ang dalawang Kapamilya stars sa kanilang relationship, lalo na si Cherry Pie na todo ang pagpo-post ng sweet moments nila ni Edu sa social media.

Ang latest nga ay ang ibinahagi niyang mga litrato na kuha sa pagbabakasyon nila sa Amerika kung saan nakipagkita rin ang aktres sa mga kaibigan niyang nakabase sa Florida, USA.

Feel na feel naman ng mga netizens ang sobrang pagka-in love ng celebrity couple sa isa’t isa base na rin sa sweet photo nila habang nakasakay sila sa isang yate at pinanonood ang sunset.

Kinilig naman ang mga kaibigan nilang celebrities sa nasabing IG post ni Cherry Pie at halos lahat ay nagsabing masaya sila para sa magdyowa kasabay ng panalangin na sana’y sila na nga ang itinadhana.


Narito naman ang ilang comments mula sa Facebook followers ng BANDERA patungkol sa pagmamahalan nina Cherry Pie at Doods.

“Mag asawa ka na Edu….huwag ka pumalit sa trono ni Derek Ramsay!”

“Hala! Kung kailan tumanda!?”

“Hanggang kelan naman kaya? Kawawang Cherry Pie. Sana panghuli ka na.”

“Parang mga teenagers naman ang datingan ng magkasintahan dahil sa kanilang mga lambingan. Na nagbigay ng sobrang kilig sa marami nilang taga hanga.”

“Bagay naman cla. Wish u all good luck guys sana kayo na habang buhay. Matanda na rin kayo.”

Nitong nagdaang weekend, nag-post naman si Edu sa Instagram ng promo material para sa upcoming virtual play na pagbibidahan ni Cherry Pie, ang “Under My Skin” ng Philippine Educational Theater Association (PETA).

Nag-thank you naman ang Kapamilya actress kay Edu gamit ang character ng aktor sa kanilang teleserye sa ABS-CBN na “Marry Me, Marry You” with matching smiling face with hearts emojis.

Kung matatandaan, kinumpirma ni Edu ang relasyon nila ni Cherry Pie nito lang Nov. 19, 2021. Nagsimula ang kanilang love story nang magkadebelopan sa set ng “Marry Me Marry You” na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Cherry Pie, Edu inamin na ang relasyon sa madlang pipol

Vilma, Edu dinala sa Libingan ng mga Bayani si Luis noong ipagtapat na maghihiwalay na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending