Vilma 60 years na sa showbiz: Imortal na ang Dyesebel at Darna na everytime pag-uusapan ‘yun, mababanggit ako... | Bandera

Vilma 60 years na sa showbiz: Imortal na ang Dyesebel at Darna na everytime pag-uusapan ‘yun, mababanggit ako…

Ervin Santiago - April 10, 2022 - 08:01 AM

Vilma Santos

SA anim na dekada niya sa mundo ng showbiz at sa dami ng pelikula at awards na natanggap niya, wala na ngang mahihiling pa ang nag-iisang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Sixty years na si Ate Vi sa entertainment industry at halos lahat na yata ng role ay nagampanan niya at in fairness, mula noon hanggang ngayon ay solid pa rin ang pagsuporta sa kanya ng mga Vilmanians.

Kaya naman bukod sa kanyang pamilya, todo ang pasasalamat ng award-winning veteran actress sa publiko na until now ay hindi pa rin nagsasawang sumubaybay at sumuporta sa kanya.

Sa livestream event kamakailan para sa restored Vilma Santos classic movie na “Karma,” nagbigay ng mensahe ang asawa niyang si Ralph Recto, at mga anak na sina Ryan Christian Recto at Luis Manzano.

“They’re happy for me. They’re proud of me. ‘Yun ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon kung ano ako ngayon.

“With all the achievements na nakuha ko na hindi nila iniisip na magagawa ko, tapos ipinagmamalaki nila, ‘Look at my mom.’ Sa nanay at sa artista na katulad ko na pinagtrabahuan ko for so many years, ‘yun na ‘yung pinakabayad, eh.

“‘Yung fulfillment ko as an actor and as a person and as a mom. Doon nabubuo ‘yung buhay ko ngayon. Because I’m really happy to have a family who’s proud of me, who’s proud of my work,” pahayag ni Ate Vi.

Pagpapatuloy pa niya, “And of course, at the end of the day, kung hanggang ngayon nandito pa rin ako, ini-interview mo pa rin ako at Vilma Santos pa rin ako, it’s the public. ‘Yung publiko na sumuporta sa akin hanggang ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vilma Santos Recto (@rosavilmasantosrecto)


“Hindi biro ‘yun. 60 years and nandiyan pa rin ang publiko. Nandiyan pa rin ang Vilmanians ko. And mayabang sa akin ang pamilya ko.

“Ano pa ang hahanapin mo? Kundi magpasalamat na lang and then be inspired to never stop, to continue kung ano pa ang contribution mong maibibigay. So kaya nagba-vlog-vlog ako ngayon. Nae-enjoy ko naman,” lahad pa ng actress-public servant.

“I’m blessed. And for that I’m very, very thankful. I thank God for all the blessings. Kaya kung meron akong pagkakataon na maibalik naman ‘yun sa tao, ‘yun naman ang tinatawag na payback time.

“Basta kaya ko at may maibabalik ako sa tao. To inspire them, to guide them, to share kung anumang knowledge or talent na meron ako, it’s payback time,” dagdag pa niya.

Sa panayam naman ng ABS-CBN, natanong si Ate Vi kung anong “legacy” ang nais niyang ikabit sa pangalan niya, “Siguro the only thing na pwede kong maisip sa ngayon is at least a Vilma Santos na merong nai-contribute sa movie industry for 60 years.

“Kahit paano na nag-spare ng buhay niya sa industriya, na kahit paano may mga magandang contribution na ibinigay.

“Palagay ko imortal na ‘yung iconic roles na Dyesebel at Darna na naging parte ako. Everytime na pag-uusapan ‘yun, mababanggit ako,” chika ng nanay ni Luis.

Para sa kanya ito raw ang ibig sabihin ng pangalang “Vilma Santos”, “An actor who was able to contribute good films, relevant films when it comes to women empowerment.

“Nagpakita ng kahalagahan sa mga pelikulang binigyan ng pagpapahalaga ang kababaihan. And also, a person who became a child actress and at the same time naging public servant — na naging parte ng reyalidad ng buhay and was able to serve the public without camera.

“And also, a person who is blessed with a good family. A person na kahit papano nakapagbigay ng inspirasyon sa mga tao,” pahayag pa ni Ate Vi na mas piniling magpahinga muna sa pagiging politiko para mag-focus muli sa kanyang pamilya at showbiz career.

https://bandera.inquirer.net/301151/vilma-sa-relasyon-nina-edu-at-cherry-pie-im-happy-i-wish-them-the-best

https://bandera.inquirer.net/293740/ate-vi-pwedeng-tumakbong-senador-sa-2022-pero-maaaring-mag-retire-na-rin-po-ako-sa-politics

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/297383/vilma-inaming-nagkaroon-sila-ng-tampuhan-noon-ni-nora-aunor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending