Vilma Santos: Ipakita natin kung ano ang kakayahan ng mga kababaihan!
Ngayong Marso ipinagdiriwang ang ‘National Women’s Month’ at tinanong ng BANDERA si Star for All Seasons Vilma Santos kung ano ang kahalagahan ng mga babae sa lipunan at paano mas mapapalakas ang women empowerment.
Sabi ng actress-politician, kailangang maipakita ang mga natatanging kakayahan ng isang babae.
Ito na raw ang panahon upang mabigyan ng malaking respeto ang mga kababaihan.
Sey ni Vilma, “Sa mga kababaihan, siguro in my only way. Kung ano man ‘yung kontribusyon na kaya kong ibigay just to show or support women empowerment, nandito lang ako 100%.”
“Because it’s about time they should acknowledge kung ano ang kakayanan nating mga kababaihan. We should get that kind of respect. Hindi na tayo pwedeng followers lang. Dapat ipakita rin natin na kami ay karespe-respeto at ano ang kaya naming gawin,” dadag ng batikang aktres.
Aniya pa, “So to all our women, mabuhay tayo at nandito lang ako para suportahan ang bawat isa inyo. Mabuhay ang kababaihan.”
Related Chika:
BABAE IBANDERA: Mensahe ng Ilang artista sa pagdiriwang ng National Women’s Month
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.