Vilma 'heaven' ang feeling bilang lola, Baby Peanut may future agad sa showbiz: 'Maarte siya, sa posing niya you can tell, artista ‘to!' | Bandera

Vilma ‘heaven’ ang feeling bilang lola, Baby Peanut may future agad sa showbiz: ‘Maarte siya, sa posing niya you can tell, artista ‘to!’

Ervin Santiago |March 01,2023
facebook
share this

Vilma ‘heaven’ ang feeling bilang lola, Baby Peanut may future agad sa showbiz: ‘Maarte siya, sa posing niya you can tell, artista ‘to!’

Ervin Santiago - March 01, 2023 - 06:42 AM

Vilma 'heaven' ang feeling bilang lola, Baby Peanut may future agad sa showbiz: 'Maarte siya, sa posing niya you can tell, artista ‘to!'

Ralph Recto, Vilma Santos at Baby Peanut

PROMISE ng Star For All Seasons na si Vilma Santos sa lahat ng kanyang supporters, gagawa talaga siya ng vlog about her apo na si Baby Peanut.

Ngayon pa lang kasi ay abangers na ang kanyang mga Vilmanians at YouTube subscribers sa gagawin niyang vlog kasama ang two-month-old granddaughter, na anak nina Luis Manzano at Jessie Mendiola.

Ayon kay Ate Vi, hahanapan niya ng tamang pagkakataon ang magiging “collab” nila ni Baby Peanut at talagang looking forward siya na maipakita ang mga bonding moments nilang maglola.

“Ipinakita ko na actually (si Baby Peanut). Matagal kong hinintay ito na magkaapo. Heaven ang feeling! She is just two months, so she is yet to call me Momsie, like what my pamangkins call me.

“I am looking forward when she probably turns seven months or one year old when you see that she’s kerengkeng na. I will enjoy her more,” aniya pa sa presscon ng bago niyang endorsement bilang celebrity ambassador ng Angkas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@jessymendiola)


Feeling din ng movie icon, magiging artista rin ang apo, “Maarte siya. Sa posing niya, you can tell, artista ‘to. She’s very pretty. I’m so excited. I’m really looking forward when she grows bigger.”

Samantala, tuwang-tuwa naman ang press nang ikuwento ni Ate Vi ang isang eksena nila ng asawang si Sen. Ralph Recto noong kabataan nila.

“Sinusundo ako ni Ralph sa motorcycle niya. Talagang nakaangkas ako sa likod niya na naka-gown pa. Sinusundo niya ako sa Vilma show tapos sabi niya, ‘Ride with me!’

“E, nag-aaway pa kami. Pipilitin niya akong umangkas sa kanya tapos binibilisan niya. E, may traffic, pagdating sa traffic light, nakatapat ako sa bus. Wala pa naman helmet noon.

“Yung lahat ng (pasahero) na nasa bus, nakatingin sa akin, ‘Si Vilma Santos ba ito?’ Naka-gown pa ako, naka-angkas, naka-heels pa, di ba? Pero pagdating namin sa pupuntahan namin, binreyk ko siya.

“Natakot kasi ako sa ginawa niya. Pero enjoy talaga, so sanay ako sa motorcycle,” pag-alala ni Ate Vi.

Luis rumesbak nang ikumpara sila ni Jessy kina Drew at Iya sa pagiging magulang: ‘Kung maka-comment ka naman akala mo ikaw magpapadede sa bata’

Vilma niregaluhan agad ng bonggang regalo ang apo, pinayuhan sina Luis at Jessy: May times na mag-aaway kayo, sa totoo lang, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jessy sinigurong ligtas ang ipinagbubuntis matapos tamaan ng COVID-19: Peanut is normal, napaka-strong niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending