Luis rumesbak nang ikumpara sila ni Jessy kina Drew at Iya sa pagiging magulang: 'Kung maka-comment ka naman akala mo ikaw magpapadede sa bata' | Bandera

Luis rumesbak nang ikumpara sila ni Jessy kina Drew at Iya sa pagiging magulang: ‘Kung maka-comment ka naman akala mo ikaw magpapadede sa bata’

Ervin Santiago |January 15,2023
facebook
share this

Luis rumesbak nang ikumpara sila ni Jessy kina Drew at Iya sa pagiging magulang: ‘Kung maka-comment ka naman akala mo ikaw magpapadede sa bata’

Ervin Santiago - January 15, 2023 - 07:09 AM

Luis rumesbak nang ikumpara sila ni Jessy kina Drew at Iya: 'Kung maka-comment ka naman akala mo ikaw magpapadede sa bata'

Luis Manzano at Baby Peanut

AYAW talagang tantanan ng mga bashers at haters sa social media ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola at ang matindi pa, pati ang anak nilang si Baby Peanut ay idinadamay na rin.

Hindi kasi nagugustuhan ng ilang netizens ang desisyon ng celebrity couple na takpan muna ang mukha ng kanilang anak na si Isabella Rose o Baby Peanut sa ipino-post nilang mga litrato sa Instagram at Facebook.

Kung makaasta naman kasi ang ilang netizens ay obligasyon nina Luis at Jessy na ibalandra sa buong mundo ang face ng sanggol para makita ng lahat.

Talagang inuutusan nila ang mag-asawa na ipakita na sa publiko ang hitsura ng kanilang panganay na anak at huwag na itong ipagdamot dahil hindi naman daw nila nanakawin ang sanggol.

Komento pa nga ng isang IG follower ni Luis, sana raw ay hindi na lang siya nagpo-post dahil puro mukha lang niya ang nakabalandra.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)


“Dapat nag sulo picture ka nlng kuya luckymanzano kasi ganun din ikaw lng din nakita hohoho (crying emojis),” hirit ng basher. Sinagot naman ito ng husband ni Jessy ng, “Si Santa Claus ka ba?”

May mga nagkumpara pa kina Luis at Jessy sa Kapso couple na sina Drew Arellano at Iya Villania na wala raw arte sa pa-face reveal sa kanilang baby.

“Bakit ganon..ayaw nila reveal agad anak nila..nanakawin ba? (laughing emojis) di katulad ng mag asawang drew at iya reveal agad walang arte…” sey ng netizen.

Resbak ni Luis, “Ito naman kung maka comment ka akala mo ikaw magpapadede sa bata. Ikaw nga post ng post ng pic mo e di naman namin hinihingi.”

Nauna rito, sinupalpal din ni Luis ang hater na tumawag ng “pisot” sa anak niya dahil ayaw pa nilang ipakita ang itsura nito. Ang “pisot” ay Visayan word na ang ibig sabihin ay hindi pa tuli. Ginagamit din ito sa pang-ookray o pamimintas sa ibang tao.

Isinilang ni Jessy si Baby Peanut noong December 28, 2022 ngunit ibinalita lamang nila ito sa publiko noong January 7, 2023.

Luis Manzano ibinandera sa publiko si Baby Peanut pero wala pang pa-face reveal

Banat ni Luis sa nang-okray kay Baby Peanut: ‘Kayo nga po pinag-isa n’yo pisngi, leeg at baba n’yo di namin kayo pinakikialaman’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jessy sinigurong ligtas ang ipinagbubuntis matapos tamaan ng COVID-19: Peanut is normal, napaka-strong niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending