Luis Manzano ibinandera sa publiko si Baby Peanut pero wala pang pa-face reveal | Bandera

Luis Manzano ibinandera sa publiko si Baby Peanut pero wala pang pa-face reveal

Reggee Bonoan |January 07,2023
facebook
share this

Luis Manzano ibinandera sa publiko si Baby Peanut pero wala pang pa-face reveal

Reggee Bonoan - January 07, 2023 - 03:29 PM

Luis Manzano ibinandera sa publiko si Baby Peanut pero wala pang pa-face reveal

SA wakas ay ipinakita na ni Luis Manzano si Baby Peanut sa publiko by posting their picture na karga-karga niya, ‘yun nga lang hindi pa na-reveal ang face ng anak nila ni Jessy Mendiola.

Matatandaang sinulat namin dito sa BANDERA nitong Enero 5 na nanganak na si Jessy Mendiola-Manzano sa Medical City noong Disyembre 29 na ibinalita ni Nanay Cristy Fermin sa programang “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika.

Marami kaagad ang nag-check sa social media account ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy kung may post na pero wala at hindi rin nila ito inanunsyo pa. Kaya sabi namin ay wait na lang kung kailan ipapakilala ng mag-asawa ang kanilang si baby Peanut.

At kaninang alas dose nang tanghali ay pinost nga ni Luis ang larawang karga ang anak at ang caption ay, “Hi Peanut (emojis red hearts) Isabella Rose Tawile Manzano.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

 

Wala nang ibang sinulat pa ang TV host/actor at sa kasalukuyan ay umabot na ito sa mahigit 77,000 likes/hearts.

Unang bumati ng puro red hearts ang kaasarang aktres ni Luis na si Cathy Gonzaga na kapatid ni Toni Gonzaga-Soriano.

Sinagot naman ni Luis ng, “@cathygonzaga – hi tita!!”

Sabi naman ng netizen na si @takizee, “@cathygonzaga sunod n ikaw mommy claim it (praying hands).

Bumati rin ang ANC host na si Andrei Felix, “Congratulations brother and Jessy (emojis red hearts).

Say naman ng entertainment showbiz host na si Papa Ahwel Paz, “Congratulations po! Pagpalain pa nawa ang inyong pamilya! (emojis praying hands).

Sabi naman ni Vavam Berena na kapatid ng aktor na si Gary Berena, “To one of my fave students… Congrats! I know you’ll be a great dad.”

Ang simpleng bati ng wifey ni Luis na si @jessymendiola, “Hi papa (emoji red heart).”

Ang sagot ng proud dad, “@jessymendiola – hi mama!”

Ang kaibigang TV host na si @iamsuperbianca, “So so precious!!!! Congratulations Lu and Jessy.”

Hindi naman nakalimot na bumati ang Queen Mother na si @karlaestrada1121, “Hi momshie Jessy and popshie lucky!”

Ang malapit na ring ikasal kay Maja Salvador na si @rambonunez, “Congratulations guys!”

Ang isa pang aabangan ng madlang pipol ay ang face reveal ni baby Peanut nab aka ipalalabas ito nina Luis at Jessy sa kanilang YouTube channel.

 

Related Chika:
Jessy Mendiola, Luis Manzano magkaka-baby girl na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jessy sinigurong ligtas ang ipinagbubuntis matapos tamaan ng COVID-19: Peanut is normal, napaka-strong niya

Vilma niregaluhan agad ng bonggang regalo ang apo, pinayuhan sina Luis at Jessy: May times na mag-aaway kayo, sa totoo lang, pero…

Luis hindi pipiliting magbuntis si Jessy kung ayaw: Sobrang nirerespeto ko ang mga babae

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending