Ate Vi pumalag sa fake news, nasaan daw sa kasagsagan ng bagyong Kristine
“WHEN you help the poor, leave your cameras at home!” ang paulit-ulit na sambit ni Nanay Cristy Fermin sa programa nila ni Romel Chika na “Cristy Ferminute” kahapon ng tanghali.
Nabanggit ito ng “CFM” host dahil kinuwestiyon ang dating gobernador ng Batangas na si Ms. Vilma Santos-Recto kung nasaan siya sa kasagsagan ng bagyong Kristine dahil binaha na ang mga kababayan niya.
Inihalintulad si Ate Vi sa ibang mga politiko na walang humpay sa pamimigay ng tulong at sa katunayan ay nag-viral pa ang mga larawan nila.
Kaya naman pumalag ang kumakandidatong gobernadora ng Batangas tungkol dito.
Baka Bet Mo: Nadine kay Ate Vi: Noong MMFF awards night nakita ko siya, gusto ko talaga siyang yakapin
Ibinahagi ng aktres-politiko ang post ng Talino at Puso Facebook account na nagsasaad ng, “Nakakatakot po ngayon kahit legit reporter from respected outlet kaya na mag FAKE NEWS. Kamusta: Dennis Datu?”
View this post on Instagram
Si Dennis Datu ay news reporter ng “TV Patrol” at ang lalawigan ng Batangas ang assignment niya tungkol sa bagyong Kristine.
Hinanap namin ang report na ito ni Dennis pero hindi na namin makita.
Say ni ‘Nay Cristy, “Nu’ng nanalanta ang bagyong Kristine na sinakop ang buong Pilipinas, ang Batangas ay isa po sa pinakamatinding nabigyan ng ulan, hangin t nagkaroon talaga ng pagpapahirap sa mga Batangueno, pakibasa Romel?”
“Heto po may nag-post na parang hinahanap si Ate Vi na walang aksyon sa kanyang mga constituent sa Batangas,” say ni Romel Chika.
Pero hirit ni ‘Nay Cristy, hindi ito ipinost kundi ibinalita at inatasan ang co-host na basahin ito sa “CFM.”
“Nakakatakot po ngayon kahit legit reporter from respected outlet kaya na mag FAKE NEWS. Kamusta: Dennis Datu? Wala raw kami sa Batangas noong kalamidad,” basa ni Romel Chika.
Sabi ni ‘Nay Cristy, “Ito ay report ni Dennis Datu, anak-anakan ko si Dennis Datu at mula noon ay punumpuno naman ng kredibilidad ang kanyang mga report kaya lang dito (Batangas) baka mayroong nagsabi sa kanya na wala ro’n ang mag-iina (Ate Vi, Luis Manzano at Ryan Christian Santos Recto)
“Ganito pa lang po ‘yan, hindi pa po sila nakaupo ngayon (at) wala po silang sagutin kung tutuusin ay tumutulong po ang Star for All Seansos, si Luis Manzano at si Ryan Christian dahil nasa puso po talaga nila ang pagtulong.
View this post on Instagram
“Kung wala po tayong nakikitang mga larawan at video (ay) alam ni Ate Vi ang katotohanan sa pagtulong, may kasabihang ‘when you help the poor, leave your cameras at home.’
“Iwanan ang camera, iwanan ang video sa bahay para hindi ipagbunyagan. Nandoon po sila tumutulong nga, eh, kahit wala pa silang posisyon tumutulong (na) siya kasama ang mga anak kaya huwag silang palabasin na wala sila sa Batangas nu’ng panahong nanalanta ang bagyong Kristine,” ani Nay Cristy.
Say naman ni Romel Chika, “Saka alam naman natin ‘Nay na alam mo na malapit na ang eleksyon hindi natin alam na baka kalaban ba ito sa politika na ito ang paghahanda nila para manira ng kanilang mga kalaban?”
Hirit pa ni Nay Cristy, “Hindi lang ‘yan ang ating maaasahan. palalim na nang palalim at palapit ng palapit ang midterm eleksyon makikita po natin kung paano gumawa ng butas ang ibang politiko para may masilip ang kanilang mga botante at kapag walang butas ay gagawa ng butas para siraan, ganu’n lang ‘yun.”
Samantala, may binasa naman si Nay Cristy mula sa CFM’ers na nakita raw ang mag-iinang Ate Vi, Luis at Ryan Christian na namamahagi ng tulong sa kanilang mga kababayang nasalanta ng bagyong Kristine.
Bukas BANDERA sa panig ng TV reporter na si Dennis Datu tungkol sa isyu ni Ms. Vilma Santos-Recto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.