Aktor willing hintayin ang napupusuang aktres na ayaw pang magka-lovelife
HINDI pa handang magmahal muli ang kilalang aktres kaya lahat ng nanliligaw sa kanya ay sinabihan na lang niyang, “friends lang kaya kong i-offer.”
Ang aktor na inirereto sa aktres na talagang botong-boto ang lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay hindi rin nakaligtas dahil isa rin sa sinabihang “mas magandang friends sila.”
Pero mukhang hindi sumuko si aktor dahil nagsabi siya ng, “I can wait. Kung kailan ka ready, nandito lang ako” at si aktres ay nagsabi na lang ng, “bahala ka, pero hindi mo kailangang gawin.”
Baka Bet Mo: Gerald nangakong hindi itatago sa madlang pipol ang pagpapakasal kay Julia; secret marriage fake news daw
Kaya ang ending ay kanya-kanya munang trabaho ang dalawa at piliing maging abala sa lahat ng ganap nila sa buhay at open pa rin silang lumabas-labas kapag kaya ng schedule.
Chika ng aming source ay desidido si aktor na hintayin ang aktres kahit ilang taon pa dahil nakita niya ang lahat ng hinahanap niya rito bilang makakasama sa buhay.
Ganu’n din naman ang tingin ng mga nakapaligid sa aktres kay aktor pero siyempre ang una pa rin ang may final say.
Kaya abangan ang susunod na kabanata siguro pagkalipas ng limang taon?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.