Alden, Jericho nanliligaw kay Kathryn, sino mas boto ng pamilya?

Alden, Jericho nanliligaw raw kay Kathryn, kanino mas boto ang pamilya?

Pauline del Rosario |April 15,2024
facebook
share this

Alden, Jericho nanliligaw raw kay Kathryn, kanino mas boto ang pamilya?

Pauline del Rosario - April 15, 2024 - 12:05 PM

Alden, Jericho nanliligaw raw kay Kathryn, kanino mas boto ang pamilya?

Alden Richards, Kathryn Bernardo, Jericho Rosales

PAREHONG nanliligaw ang dalawang aktor na si Alden Richards at Jericho Rosales sa award-winning actress na si Kathryn Bernardo.

‘Yan ang naging update ni Ogie Diaz sa latest YouTube episode ng “Showbiz Update” noong April 14.

Ayon kay Ogie, ang nagbalita sa kanya niyan ay nagmula mismo sa kampo ni Kathryn. 

“Well, according to my source sa kampo ni Kathryn, nanliligaw na nga itong si Alden kay Kathryn. At makikita naman daw ‘yan sa kanilang body language,” sey ni Ogie.

Dagdag naman ni Mama Loi, “Sabi nga ni Alden, what you see is what you get.”

Baka Bet Mo: Fans mas boto kay Alden para kay Kathryn: Binata siya at walang anak

Sumang-ayon sa kanya ang vlogger at ibinunyag na bet na bet ng pamilya ng aktres si Alden.

“Gustong-gusto raw ng pamilya ni Kathryn si Alden kasi daw –siyempre lalo na kay Mommy Min, si Alden ay isang negosyante, si Alden ay financially stable, responsable…kaya raw natutuwa at naaaliw kay Alden ‘yung pamilya ni Kathryn,” chika ng talent manager.

Patuloy niya, “Dahil daw ‘yung mga gusto nila para sa isang lalaki para kay Kathryn ay pino-possess ni Alden.”

Kasunod niyan, nabanggit din sa vlog ang panliligaw rin ni Jericho kay Kathryn na base sa kwento ng kanilang source.

“Ang sabi rin sa akin ng aking source ay nanliligaw din daw itong si Jericho Rosales kay Kathryn Bernardo,” sambit ni Ogie.

Patuloy niya, “Pero kung botohan daw sa pamilya ni Kathryn, parang mas boto sila kay Alden.”

Usisa ni Mama Loi kay Ogie, “Eh bakit wala si Jericho Rosales sa housewarming? Parang ‘di nakikita sa posts?”

Baka Bet Mo: JM de Guzman nagparinig kay Donnalyn Bartolome: ‘Tagal ko nang nanliligaw… baka naman!?’

Sagot sa kanya ng showbiz insider, “Hindi naman natin alam kung ano –Baka naman invited siya kaya lang hindi siya pwede. Baka naman busy rin si Jericho sa bonding moments with the cast ng bagong teleserye na gagawin niya sa ABS-CBN na hindi natin alam kung kailan magsisimula baka doon abala si Jericho.”

Nilinaw rin ni Ogie na bukod kay Alden, present din sa housewarming party ang ilan pang artista kabilang na sina Piolo Pascual, Dimples Romana, Kakai Bautista, Alora Sasam, ang mag-asawang Robi Domingo at Maiqui Pineda, pati ang presidente ng ABS-CBN Studios na si Carlo Katigbak.

Ipinakita rin ni Ogie ang isang kumalat din na post ng isang fan na sinasabing inabangan nila sa isang awarding ceremony si Alden, pero hindi raw ito sumipot dahil mas pinili nitong puntahan si Kathryn sa house blessing.

“Napatunayan din na priority ni Alden si Kathryn dahil may lumabas sa post na supposedly ay tatanggap sana ng award si Alden dahil nominated ito sa tatlong categories sa PH Esports Awards, pero mas pinili ng aktor na umattend sa house blessing ni Kathryn,” wika ni Ogie sa vlog.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Saad niya, “Kung totoo man itong post na ito, so alam na kung gaano talaga kamahal ni Alden si Kathryn.”

Mensahe pa ng vlogger, “Anyway, kung totoo mang nanliligaw si Alden kay Kathryn, goodluck!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending