Fans mas boto kay Alden para kay Kathryn: Binata at walang anak

Fans mas boto kay Alden para kay Kathryn: Binata siya at walang anak

Reggee Bonoan - April 10, 2024 - 04:12 PM

Fans mas boto kay Alden para kay Kathryn: Binata siya at walang anak

TINAWAGAN kami ng aming source tungkol sa paramihan ng boto tungkol sa Team Echo at Team Alden para kay Kathryn Bernardo.

Inaming napapangiti raw ang aktres sa mga ganap sa buhay niya dahil ang daming nangyayari at nagugulat din siya na may pakontes pa ang fans kung sino ang nababagay sa kanya – si Alden Richards ba o si Jericho Rosales.

May humahabol din na crush pala siya ni Donny Pangilinan kahit na ang ka-loveteam nito ay si Belle Mariano na hindi naman sila in a relationship dahil hindi sila umaamin.

Nabanggit din ni Paulo Avelino na sana ay magkatrabaho sila soon.

Say ng aming source, “Nagugulat lang si Kath kasi ang dami-daming may gusto siyang maka-work at napa-flatter siya kasi wala naman siyang nababalitaan noon kasi nga sa iisang guy lang siya laging ipinapareha.

Baka Bet Mo: Bakbakang Team Alden vs Team Jericho: Sino ang magwi-win kay Kathryn?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ito ‘yung laging sinasabi noon ng management na i-try ding ipareha si Kath sa iba para mag-grow tulad nga nu’ng kay Alden, e, may humaharang nga, di ba?

“Kaya now, ang saya-saya ni Kathryn pati family niya kasi nakikita nilang masaya ang anak nila.

“Tungkol sa Team Alden at Team Echo, siyempre may pinanggalingan na ang KathDen dahil sa ‘Hello Love Goodbye’ na nakitaan naman talaga sila ng chemistry kaya marami ang nagsi-ship na sana magkaroon ng development ang relasyon nila during the shoot ng HLG2 kasi magkakasarilinan sila do’n,” sabi ng kausap namin.

At ang nakakagulat na tsika ng aming source, “’Wag magpakasiguro ang Team Alden dahil kahit hindi laging nakadikit si Echo kay Kath tulad ng ginagawa ni Alden ay malakas ang dating nito kay Kath.

“Matagal nang magkakilala sina Echo at Kath kasi nagka-work na sila noon pero bata pa si Kath at alam ko crush niya noon si Echo kasi ang husay umarte.  Pag bata ka may mga idol ka na magaling umarte, magaling kumanta, magaling sumayaw at siyempre sa ugali na rin.

“Si Echo magaling umarte at sumasayaw at kumakanta pa, aminin mo, total package naman ang lolo mo. Guwapo at single naman siya kahit pa sabihing malaki ang agwat niya sa edad, sabi nga age doesn’t matter.

“Ganito na lang, ikumpara mo kung paano ang kilos ni Kath kapag kasama si Alden at kapag kasama rin niya si Echo,” sabi pa ng aming source.

Mas maraming boto kay Alden para kay Kathryn dahil binata, never pang nagpakasal at walang anak at higit sa lahat may pelikula sila.

Mahaba-haba ang pagsasamahan ng KathDen dahil ilang linggo ang shooting ng “HLG2” at kapag pumasok ito sa 50th year ng Metro Manila Film Festival ay dire-diretsong magkasama sila hanggang Disyembre para na rin sa promo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At magsasama pa sila sa Amerika para sa 2nd Manila International Film Festival, sa madaling salita halos 10 months silang magkakasama.

“Hindi naman dire-diretsong 10 buwan, may mga bakanteng araw din naman lola mo, kaya malay mo doon makakasingit ang iba at saka ano ginagawa ng tawag at video call?” ang nanunuksong sabi ng aming source.

Feeling namin hindi pa makikipagrelasyon si Kathryn agad-agad, pero iba ang ngiti niya kapag nakikita niya ang taong kinakikiligan niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending