Team Alden vs Team Jericho: Sino ang magwi-win kay Kathryn?

Bakbakang Team Alden vs Team Jericho: Sino ang magwi-win kay Kathryn?

Ervin Santiago |April 10,2024
facebook
share this

Bakbakang Team Alden vs Team Jericho: Sino ang magwi-win kay Kathryn?

Ervin Santiago - April 10, 2024 - 07:04 AM

Bakbakang Team Alden vs Team Jericho: Sino ang magwi-win kay Kathryn?

Kathryn Bernardo, Jericho Rosales at Alden Richards

KUNG may nagpu-push na maging magdyowa sina Kathryn Bernardo at Alden Richards, tuloy din ang pagsi-ship ng fans kina Kath at Jericho Rosales.

In fairness, talagang buhay na buhay ngayon ang bakbakan ng Team Alden at Team Jericho sa social media na kanya-kanyang paandar para makuha ang atensiyon ng ex-girlfriend ni Daniel Padilla.

Baka Bet Mo: Kathryn super maalagang kaibigan, mahilig magpadala ng pagkain: Gusto kong ma-feel nila na nandiyan lang ako for them

Nitong nagdaang araw, muling nagetsing ni Echo ang attention ng mga netizens dahil sa pag-flex niya ng kanyang toned and hunky body na kuha sa pagbabakasyon niya sa isang beach sa El Nido, Palawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jericho Rosales (@jerichorosalesofficial)


In fairness, tinawag din siyang may dugong bampira dahil kahit nagkakaedad na ay parang hindi pa rin ito tumatanda.

Ikinumpara pa siya ng ilang fans sa alak na habang tumatagal daw ay lalong sumasarap at mas nagiging yummy.

“Grabe, bakit parang di tumatanda si Echo? Actually ‘yong batch nila. Even Diether Ocampo and Piolo Pascual, ganiyan din.”

Baka Bet Mo: Daniel, Andrea barag na barag sa netizens matapos umamin si Kathryn; fans ni Ricci nanukso

“Hala grabe bakit ang sarap pa rin ni Echo hahahaha.”

“Vampire ata to, never gets old hayyy location pls?”

“Hi to my ultimate forever crush!”

“Lalo mo pinapainit sa pilipinas papa echs.”

May mga netizens ang na-curious kung sino ang kasama ng award-winning actor sa naturang beach na siyang nagbi-video sa kanya. Sey ng fans, baka raw si Kathryn ang ka-date ni Echo sa Palawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sana kayo ni Kathryn ang endgame!”

“Ikaw nalang at s kath kuys”

“Ay akala ko lalabas si Kath. eme”

“Bagay kayo ni Kathryn!”

“Hmm I think he’s bagay naman with Kath for just a movie, maybe a masculine kind of mature role. I would love it to watch if ever but I think typical filipino viewers are not ready pa to watch Kath for mature roles with ofcourse a mature man like Echo. And also we don’t forget Alden bagay din naman siya kay Kath actually, any of the two is pasok for me as a viewer and a fan of them.”

Pero siyempre, hindi rin magpapatalo ang Team Alden na feeling naka-score na nang bonggang-bongga dahil sa viral sweet photos ng dalawa na kuha sa naganap na post-birthday celebration ng aktres kasama ang ilang malalapit na kaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang paniwala nila, may namamagitan nang something sa dalawa lalo pa’t may nakitang tila couple ring silang suot.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending