Daniel, Andrea barag sa netizens matapos umamin si Kathryn

Daniel, Andrea barag na barag sa netizens matapos umamin si Kathryn; fans ni Ricci nanukso

Ervin Santiago |December 01,2023
facebook
share this

Daniel, Andrea barag na barag sa netizens matapos umamin si Kathryn; fans ni Ricci nanukso

Ervin Santiago - December 01, 2023 - 02:37 PM

Daniel, Andrea barag na barag sa netizens matapos umamin si Kathryn; fans ni Ricci nanukso

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Andrea Brillantes

BASAG na basag ngayon sina Daniel Padilla at Andrea Brillantes matapos magsalita si Kathryn Bernardo tungkol sa paghihiwalay nila ni DJ.

Bugbog-sarado sina Daniel at Andrea sa mga fans at netizens, sila talaga ang napuruhan sa pag-amin ni Kath na totoong naghiwalay na sila ng kanyang long-time boyfriend.

Maraming naniniwala na pinagtaksilan umano ni DJ si Kath kaya sila naghiwalay at ang itinuturo ngang dahilan ay ang ex-girlfriend ni Ricci Rivero kahit wala pa naman talagang masasabing solid na ebidensya hinggil dito.

Kung anu-ano nang chika ang naglalabasan about Daniel and Andrea pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nagsasalita tungkol dito kaya ayon sa ilang fans ni Kath, mukhang may bahid daw ng katotohanan ang akusasyon sa kanila.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pa ring inilalabas na official statement ang kampo nina DJ at Andrea tungkol sa pagli-link sa kanilang dalawa.

At dahil nadamay na nga si Andrea sa hiwalayang KathNiel, may mga nagkomento na parang nakaganti na raw ang basketball player at aktor na si Ricci Rivero sa Kapamilya actress.

Baka Bet Mo: Robi Domingo ‘kinompronta’ ni Daniel Padilla ukol sa unfollow issue

Nangyayari na rin daw kasi ngayon kay Andrea ang naranasan ni Ricci at ng beauty queen na si Leren Mae Bautista mula sa mga bashers noong umamin ang dalawa na magdyowa na sila.

Para raw nag-boomerang kay Andrea ang mga patutsada niya noon kina Ricci at Leren Mae dahil sa pambabasag at pangnenega sa kanya ngayon ng mga fans nina Daniel at Kathryn dahil siya nga ang itinuturong third party.

Pero in fairness, may nakausap naman kaming malapit kay DJ na nagsabing friends lang naman daw talaga ang aktor at si Blythe. Malisyoso lang daw ang ibang tao na nagbibigay kulay sa friendship nila.

Kasunod nito, hinamon naman ng mga fans ni Andrea si Daniel na ipagtanggol ang young actress kung talagang wala itong kinalaman sa breakup nila ni Kath. Kawawa naman daw si Andrea na binabatikos ngayon nang bonggang-bongga.

Sey ng isang supporter ni Andrea, “Dapat magpakalalaki si DJ. Magsalita rin siya kung walang kasalanan si Blythe. Kawawa naman yung tao. Pero kung totoo, aminin na rin niya para magkaalaman na!”

Samantala, may nakausap naman kaming source na hindi lang ang tungkol sa ibang babae ang naging dahilan kung bakit sumuko na si Kath sa relasyon nila ni DJ.

Nagkapatung-patong na raw kasi ang mga sablay at kasalanan ng aktor kaya napuno na si Kathryn at hindi na nakayanan ang sakit na kanyang nararamdaman.

Nauna rito, sinabi naman ni Kath na halos kalahati ng buhay niya ay kasama niya si Daniel at sa kabila ng nangyari ay wala siyang pinagsisisihan.

“That’s almost half of my life that I would never regret and would never trade for anything in the world. These are 11 years that brought me joy, adventure, and the feeling of being home.

“Years that taught me the real meaning of unconditional love and friendship. He knew me more than anyone else. He was my first boyfriend. He was my comfort zone. He was my person. I will always have love for him.

“Like any other relationship, we tried our best to make it work. We’ve been drifting apart for a while now, and we ultimately had to accept that we can’t go back to where we used to be. It just won’t be fair to pretend that everything is still the same,” sey pa ni Kathryn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“These past few months have been tough, but thank you for giving us the time we need to process the pain and finally face the elephant in the room. Our love story began with respect and ended with respect,” pahayag pa ni Kathryn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending