Robi Domingo 'kinompronta' ni Daniel Padilla ukol sa unfollow issue

Robi Domingo ‘kinompronta’ ni Daniel Padilla ukol sa unfollow issue

Therese Arceo |November 29,2023
facebook
share this

Robi Domingo ‘kinompronta’ ni Daniel Padilla ukol sa unfollow issue

Therese Arceo - November 29, 2023 - 05:09 PM

Robi Domingo 'kinompronta' ni Daniel Padilla ukol sa unfollow issue

Robi Domingo at Daniel Padilla

NILINAW ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo na wala silang samaan ng loob ng kaibigan at kapwa Kapamilya artist na si Daniel Padilla.

Sa kntang naging panayam kay Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube channel ng huli, ibinahagi nito na walang katotohanan ang pag-unfollow niya kina Daniel at Andrea Brillantes kasunod ng chikang diumano’y hiwalay na ang KathNiel.

“Robi, sinagot mo na ito pero maikli lang yung sagot mo na parang hindi totoo yung news na in-unfollow mo si Andrea [at Daniel], pina-follow mo ba [sila] in the first place?” usisa ng talent manager.

“Hindi po. Yun din yung iniisip ko, na hindi ko rin alam noong una pa lang kung ano yung handle niya.

“Kasi kung hahanapin mo na Andrea Brillantes, hindi lumalabas. [Ang lumalabas ay] Blythe. Katulad din yung kay Daniel, parang Daniel Padilla pero ang lumalabas, e, Supremo,” sagot ni Robi.

Pag-amin pa ng dating “Pinoy Big Brother” housemate, hindi talaga niya pina-follow ang dalawa at hindi rin naman doon nasusukat ang kanilang friendship.

Baka Bet Mo: Robi Domingo pinabulaanan ang pag-unfollow kina Daniel Padilla, Andrea Brillantes

“It doesn’t mean na kung hindi ko sila pina-follow, e, hindi ko na sila kaibigan. Parang for me, yung relationship ko with them transcends yung pagpa-follow-follow,” sey pa ni Robi.

Bukod pa rito, nagkita pa raw sila ni Daniel sa isang event para sa pelikula ng aktor kasama si Zanjoe Marudo.

Aniya, pabiro pa raw siyang kinumpronta ni Daniel ukol sa isyu.

“Actually noong isang araw, nakausap ko pa si Daniel, at nagtawanan kami, yun yung meron siyang movie conference or story conference,” kuwento ni Robi.

Pagpapatuloy niya pa, “Nagbiruan lang kami, sabi niya sa akin, ‘In-unfollow mo ba ako? Galit ka sa akin?’ Tapos ayun, nagtawanan lang kami. Dahil for us, hindi issue talaga yon.”

ROBI DOMINGO PINILI PA RING HUWAG I-FOLLOW SI DANIEL PADILLA

Pinili naman ng binata na huwag nang i-follow si Daniel dahil pina-follow naman niya ang girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.

“Pina-follow ko naman si Kathryn, e. Para sa akin, naka-package deal na sila na kapag may life update [makikita ko kay Kathryn],” chika ni Robi.

Maari raw siyang tanungin ng madlang netizens kung bakit sa kabila ng isyung “pag-unfollow” niya kay Daniel ay hindi pa rin ito kasama sa kanyang following ngayon gayong aware naman na ito sa IG handles ng dalawa.

“For my sanity siguro na ang daming nangyayari, lalo na ngayon na hindi ko siya ma-handle, yung social media. Kasi ang social media for me ay pag-update sa akin ng iba pang pangyayari pero, especially in the past few years, ang dami ng stresses sa buhay,” ani Robi.

“Mula sa lockdown, election, itong mga preparation, tapos ito pang nangyari sa aming dalawa ng mapapangasawa ko.
“Kaya teka lang, lalayo muna ako sa ingay. Para muna sa akin, for my sake. Hindi rin naman ako masyadong ma-swipe sa social media, e.”

Kahit naman daw hindi pina-follow ni Robi sina Daniel ay for sure magkakaibigan pa rin sila at maayos ang samahan.

“Bakit ako mag-a-unfollow, lalung-lalo na wala naman akong isyu sa kanila. Tsaka lalung-lalo na lagi kaming magkikita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya kung ano man ang nangyayari, it’s with them, not with me. It doesn’t concern me kasi okay kami. Okay na okay kami,” giit pa ni Robi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending