Robi Domingo sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Maqui Pineda

Robi Domingo sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Maqui Pineda: ‘We are 70 to 75 percent complete!’

Pauline del Rosario |October 02,2023
facebook
share this

Robi Domingo sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Maqui Pineda: ‘We are 70 to 75 percent complete!’

Pauline del Rosario - October 02, 2023 - 03:56 PM

Robi Domingo sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Maqui Pineda: ‘We are 70 to 75 percent complete!’

PHOTO: Screengrab from Instagram/@iamrobidomingo

MALAPIT nang makumpleto ang paghahanda sa kasal ng TV host na si Robi Domingo at fiancée niya na si Maiqui Pineda!

Ito mismo ang naging update ni Robi matapos siyang kamustahin ng entertainment media sa naganap na ABS-CBN Ball 2023 noong September 30.

“As of yesterday (Sept. 29), I can disclose that we are 70 to 75 percent complete [with our wedding preparations],” pagbubunyag niya sa naging ambush interview.

Pero until now ay hindi pa pwedeng ilantad ni Robi kung kailan nga ba ang special day nila ni Maiqui.

“I will be scolded kapag sinabi ko [kung kailan],” paliwanag niya.

Baka Bet Mo: Robi super excited na sa kasal nila ni Maiqui: ‘Nabubuo na namin kung ano ‘yung magiging perfect wedding for us’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo)

Magugunitang na-diagnose si Maiqui ng isang rare autoimmune disease na tinatawag na “dermatomyositis” na nagdudulot ng skin rashes, panghihina ng kalamnan at pamamaga.

Sa kabila nito ay nauna nang kinumpirma ng TV host na matutuloy pa rin ang kasal nila.

Ikinuwento pa nga ni Robi sa isang interview na kinausap niyang mabuti si Maiqui kung gusto nitong ipagpaliban muna ang wedding nila, ngunit hindi raw ito pumayag.

Nabanggit din ni Robi na habang naka-focus ang kanyang soon-to-be wife sa pagpapagaling ay siya naman daw ang abala sa paghahanda ng kanilang kasal.

“Right now since she’s focus sa health niya, ako ‘yung groomzilla ngayon,” sambit niya noon.

Kwento pa niya, “Ako ‘yung nagha-handle ng lahat ng mga bagay. Kaya medyo nakaka-pressure, nakaka-stress.”

“But it’s the details that count eh na, ‘okay kailangan ako na bahala, relax ka na diyan’,” aniya pa.

Kamakailan lang ay nagdiriwang ng kaarawan si Robi sa Singapore, kung saan ay sinamahan niya si Maiqui na magpatingin sa doktor.

Kahit hindi sila nagkaroon ng party o handaan ay natupad naman daw ang birthday wish niya na magtuloy-tuloy ang paggaling ng fiancée.

Caption niya, “Got my birthday wish as the doctor told us she’s improving a lot! Hopefully, tuloy tuloy na. Thank you for all the prayers.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rabiya kinakarir ang ‘Hala Bira’ walk para sa Miss Universe 2020; sumabak din sa acting workshop

Kasalang Tom-Carla simple lang pero elegante; tuloy ang preparasyon kahit ‘nakakulong’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending