Kasalang Tom-Carla simple lang pero elegante; tuloy ang preparasyon kahit 'nakakulong' Bandera

Kasalang Tom-Carla simple lang pero elegante; tuloy ang preparasyon kahit ‘nakakulong’

Ervin Santiago |June 17,2021
share this

Kasalang Tom-Carla simple lang pero elegante; tuloy ang preparasyon kahit ‘nakakulong’

Ervin Santiago June 17,2021 - 09:12 AM

KAHIT magkahiwalay ngayon dahil sa kani-kanilang lock-in taping, tuluy-tuloy pa rin ang paghahanda nina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa kanilang kasal.

Kasalukuyang ginagawa ngayon ng Kapuso actress ang upcoming GMA drama series na “To Have And To Hold” habang nasa unang cycle naman ng kanyang lock-in shoot si Tom para sa seryeng “The World Between Us” with Alden Richards and Jasmine Curtis.

Kuwento ng Kapuso actor, sa kabila ng kanilang mga trabaho, nagagawa pa rin nila ng kanyang fiancée ang mga kailangan nilang asikasuhin para sa kanilang nalalapit na wedding day.

“Napa-Zoom meeting ako, while Carla is in talks with our wedding coordinator, since Carla is locked-in at the same time, so we have to do everything remotely. So buti na lang we have a great team,” pahayag ni Tom sa panayam ng GMA.

Patuloy pa niyang chika, “I know how hard it is. Sa akin naman, alam mo, requirement ko nandoon lang ako, e. Ako ‘yung katabi (sa paghahanda).”

Sabi pa ng future husband ni Carla, ang theme ng kanilang wedding na magaganap na nga ngayong Oktubre ay “white, gold, and a hint of black.”

“Simple, pero elegante” ang ginawang paglalarawan ni Tom sa kasal nila ni Carla. Aniya pa, palagi lang siyang nakaalalay sa aktres kapag may kailangan pang gawin para sa pinakahihintay nilang araw sa kanilang relasyon.

“Support ako, siyempre, para may participation. Kapag kailangan ng mga decision na which one is better, (itinuru-turo ang daliri) here, here, here these choices. Matapang na ako du’n,” natatawa pang sabi ni Tom.

* * *

Huwag palampasin si Kapuso actor Ruru Madrid sa isa na namang nakaaaliw na bagong episode ng “Dear Uge” ngayong Linggo.

Parte ng sales pitch ni Alex (Ruru) tuwing nagbebenta siya ng insurance sa kanyang mga kliyente ang pagpapahalaga sa kapwa at mga mahal sa buhay. Subalit taliwas sa kanyang sales pitch, makasarili at wala siyang pakialam sa mga tao sa kanyang paligid.

Magbabago ang lahat nang mabangga si Alex ng sasakyan at ma-comatose. Nang magising, naisipan ni Alex na baguhin ang kanyang buhay lalo na ang pakikitungo niya sa mga tao.

Habang sinusubukan niya na makipag-ayos sa mga dating nakaaway, malalaman ni Alex na hindi aksidente ang nangyari at may nagbalak talagang patayin siya. Itutuloy pa nga ba ni Alex ang kanyang pagbabagong buhay?

Makakasama rin ni Ruru sa episode na ito sina Rodjun Cruz, Archie Alemania at Jelai Andres.

Abangan ang nakakaaliw na kuwentong ‘yan sa fresh episode ng “Dear Uge” na pinamagatang “Coma Period” ngayong Linggo, 3:35 p.m., sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending