Rabiya kinakarir ang 'Hala Bira' walk para sa Miss Universe 2020; sumabak din sa acting workshop | Bandera

Rabiya kinakarir ang ‘Hala Bira’ walk para sa Miss Universe 2020; sumabak din sa acting workshop

Ervin Santiago |March 11,2021
facebook
share this

Rabiya kinakarir ang ‘Hala Bira’ walk para sa Miss Universe 2020; sumabak din sa acting workshop

Ervin Santiago - March 11, 2021 - 09:43 AM

TODO na ang ginagawang paghahanda ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo para sa 69th Miss Universe pageant sa darating na Mayo.

Isa sa mina-master ngayon ng Pinay beauty queen ay ang kanyang “Hala-bira” walk na siyang gagamitin niyang style sa pagrampa sa nasabing international pageant na nakatakda na ngang maganap sa May 16 sa Florida, USA.

Ayon kay Rabiya, hindi raw basta-basta ang training na pinagdaraanan niya ngayon para ma-achieve ang lahat ng kakailanganin niyang “baon” para makuha ang titulo at korona sa 2020 Miss Universe.

Sa lakad pa lang daw ay talagang mahabang oras na ang kanyang inilalaan para mahasa siya at mapansin agad pagsampa pa lamang ng Miss Universe stage.

“So I would have a lot of exercises for my hips, the lining of my feet every time I walk.

“It’s the presence, eh. I can have a different walk but it’s different when there’s a presence. There’s this aura. It’s something I need to work on,” pahayag ni Rabiya sa panayam ng ABS-CBN.

Ang “Hala-bira” walk ang susunod na pauusuhin ni Rabiya sa pagrampa sa Miss Universe matapos ang pinag-usapang “Lava” walk ni Catriona Gray noong 2018.

Siyempre, kailangan din niyang maglaan ng sapat na panahon para naman sa question and answer portion, bukod pa sa gagawin niyang paghahanda sa make-up training at personality development.

Aniya pa, sasailalim din siya sa acting workshop, “It’s more of a personality development so I can use that also during commercials. It’s also part of being versatile in having different roles. I’m really into acting talaga.”

Sumasailalim din si Rabiya sa psychological session para masigurong maayos ang kanyang mental health at kalusugan para nga naman manatiling virus-free hanggang sa grand coronation night.

Sabi pa ng dalaga, bago sumalang sa pre-pageant activities sa Mayo, balak na niyang lumipad patungong Amerika next month para doon na ituloy ang training.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending