Robi Domingo pinabulaanan ang pag-unfollow kina Daniel, Andrea

Robi Domingo pinabulaanan ang pag-unfollow kina Daniel Padilla, Andrea Brillantes

Therese Arceo |November 23,2023
facebook
share this

Robi Domingo pinabulaanan ang pag-unfollow kina Daniel Padilla, Andrea Brillantes

Therese Arceo - November 23, 2023 - 11:21 PM

Robi Domingo pinabulaanan ang pag-unfollow kina Daniel Padilla, Andrea Brillantes

ITINANGGI ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo ang mga kumakalat na chikang in-unfollow niya sa Instagram ang Kapamilya stars na sina Daniel Padilla at Andrea Brillantes.

Napabalita kasi sa isang entertainment news site na in-unfollow raw niya ang dalawa sa kasagsagan ng mga espekulasyong hiwalay na sina Daniel at Kathryn Bernardo.

Kilala si Robi bilang isa sa mga malalapit na kaibigan ni Kathryn sa showbiz industry kaya siguro maging ito ay minatyagan rin ng mga netizens na curious sa tunay na estado ng relasyon ng KathNiel.

At habang wala pang kumpirmasyon mula kina Kathryn at Daniel kung true nga ba ang hindi mamatay-matay na chika, isa sa mga nakikitang ebidensya ng mga netizens ay ang pag-unfollow nina Kath at Andrea sa isa’t isa.

At ngayong araw nga ay nilinaw ni Robi na walang katotohanan ang chikang pag-unfollow niya kina Daniel at Andrea.

Sa kanyang X (dating Twitter) account ay pinabulaanan niya ang balita.

Baka Bet Mo: Robi Domingo nagdiwang ng kaarawan sa SG kasama si Maiqui Pineda, natupad ang birthday wish: ‘She’s improving a lot!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“This is so not true. Please check facts first,” saad ni Robi.

Umani nga ng iba’t ibang reaksyon mula sa madlang pipol ang pahayag ng Kapamilya TV host at dating “Pinoy Big Brother” housemate.

“PASENSYA na Po Kuya Robi sobrang madami lang Po TALAGA mga taong gusto SIRAAN si blythe kaya kahit Sino nlang ginagawan nila Ng issue and alam ko sobrang love mo din Po si blythe and Kyle,” saad ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa, “Ang alam ko lang magiging Ninang nyo si Atty Leni, sana all!”

naku ayaw pa naman nila nagccheck ng facts, gusto nila yung pasa pasa chismis lang without proof  [laughing emoji] thank u robi!” sey naman ng isa.

Maging si Direk Cathy-Garcia ay isa sa mga pinaratangan ng netizens na nag-unfollow kay Daniel sa kasagsagan ng isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending