True ba, bahay nina Jericho Rosales, Kim Jones sa QC ‘for sale’ na?
MATAPOS ang kumpirmasyong hiwalay na, usap-usapan naman ngayon sa social media ang bahay nina Jericho Rosales at Kim Jones sa Quezon City.
Ayon kasi sa entertainment insider na si Ogie Diaz, kasalukuyan na itong binebenta.
“Ang alam ko, for sale na ang kanilang bahay sa Quezon City para mapaghatian na ang proceeds nito if ever,” sey ni Ogie sa kanyang recent episode sa YouTube na “Showbiz Update.”
Chika pa niya, “Si Kim Jones sa pagkakaalam ko, maninirahan na ata sa New York. Si Jericho naman ay single solo solo muna siya [dito].”
Kung matatandaan noong January 31 nang inanunsyo ni Ricco Ocampo, ang ninong ng dating mag-asawa sa kasal, na noon pang 2019 nang maghiwalay sina Echo at Kim.
Pero paglilinaw niya, nananatiling magkaibigan ang dalawa at nagsusuportahan sa kani-kanilang mga proyekto.
Baka Bet Mo: Jericho maraming tinanggihang pelikula nang maghiwalay sila ni Kim
Ayon sa statement ni Ricco, “While the friendship between the two remains, they have decided it is time to lead separate lives. They are encouraging each other to grow, albeit in different directions.”
“It was a mutual decision, an amicable separation, dealt with grace and maturity by both parties,” aniya pa.
Sinabi rin ng ninong na grateful sina Echo at Kim sa mga panahon na sila’y nagkasama, pati na rin sa fans na patuloy silang sinusuportahan.
Sa kabila ng breakup, itutuloy pa rin ng dating couple ang kanilang collaboration project na nakatakdang ipalabas ngayong 2024.
Ramdam din naman na good friends ang dalawa dahil makikita sa social media ang kanilang interaction kung saan nagkokomento sila sa kanilang mga posts sa Instagram.
Tulad ng recent post ni Kim na talaga namang pak na pak siya sa kanyang pictures sa IG.
Makikita sa comment section ang naging reaksyon ni Jericho na sinabing, “Love these!”
May hot na hot din na pictures ang batikang aktor sa IG na kung saan nagkomento riyan ang dating misis ng: “Mmmm ramen.”
Taong 2011 nang nagkakilala ang dalawa at sila ay ikinasal noong 2014.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.