Jericho, Kim naghiwalay noon pang 2019, kinumpirma ng ninong nila sa kasal
ANG matagal nang usap-usapang hiwalay na ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones ay pinatotohanan ng ninong nila sa kasal na si Ricco Ocampo.
Si Ricco rin ang piping saksi simula nu’ng magligawan ang nagkahiwalay na celebrity couple.
Mas lalo pang umugong na talagang wala na ang dalawa nang banggitin ito ni Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi na “Showbiz Update” base sa sources niya at nagkaroon na nga raw ng hatian ng properties.
View this post on Instagram
Sa panayam ng ABS-CBN kay Ginoong Ocampo ay noon pang 2019 hiwalay sina Echo at Kim pero nanatili silang magkaibigan at nagsusuportahan sa kani-kanilang mga proyekto.
Baka Bet Mo: Jericho Rosales ‘happy’ sa piling ni Kim Jones sa kabila ng chikang hiwalayan
Ayon kay Ricco, “While the friendship between the two remains, they have decided it is time to lead separate lives. They are encouraging each other to grow, albeit in different directions. It was a mutual decision, an amicable separation, dealt with grace and maturity by both parties.
“The two are filled with gratitude for the memories they’ve made together and the lessons they’ve learned.
“They have journeyed through the separation with the utmost respect and care toward one another precisely because Echo and Kim are the best of friends and love each other like family.
“This split is not borne out of ill feelings. On the contrary, one might say that it is a demonstration of their affection and respect, as Echo and Kim only wish the best for each other.
“They are incredibly grateful for those who have supported them throughout the years, and appreciate the respect of their privacy during this time,” sabi pa ng ninong nina Echo at Kim sa kasal.
Tungkol sa nabanggit na mga proyekto ay si Echo raw ang producer ng pelikulang isinulat at idinirek ni Kim na ngayong 2024 ipalalabas.
View this post on Instagram
Kung hindi kami nagkakamali, ito ‘yung kinunan nila sa Amerika kung saan matagal namalagi ang ex-couple sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Baka Bet Mo: Heart, Jericho muling nagbeso, hirit ng fans: Reunion project, please!
Suportado rin ni Kim ang mga proyekto ng dating asawa tulad ng nalalapit nitong seryeng “Sell Block” na ipalalabas sa ABS-CBN.
Nabanggit pang maayos ang paghihiwalay ng dalawa at napag-usapan na rin nila ang hatian sa ari-arian nila bilang mag-asawa.
Samantala, kamakailan ay natanong si Jericho sa isang event tungkol sa isyung hiwalay na sila ni Kim pero hindi niya ito sinagot bagkus ang lagi niyang sinasabi ay, “were happy”, “we’re good, great, fantastic, amazing.”
Kaya nalilito rin ang lahat lalo’t magkasama pang dumalo sina Echo at Kim sa ABS-CBN Ball noong 2023.
Matatandaang ikinasal ang dalawa sa Boracay noong Mayo, 2014 at nagkakilala sila taong 2011 sa pamamagitan ng asawa ni Dominic Ochoa at naging opisyal na magkarelasyon noong 2012 at na-engage ng 2013.
Sa kasalukuyan ay nananatiling tahimik sina Echo at Kim kaya ano kaya ang komento nila na inunahan sila ng kanilang Ninong Ricco sa pag-aanunsyo ng kanilang paghihiwalay?
Bukas ang BANDERA sa panig ng ex-couple.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.