Jericho Rosales ‘happy’ sa piling ni Kim Jones

Jericho Rosales ‘happy’ sa piling ni Kim Jones sa kabila ng chikang hiwalayan

Pauline del Rosario |January 18,2024
facebook
share this

Jericho Rosales ‘happy’ sa piling ni Kim Jones sa kabila ng chikang hiwalayan

Pauline del Rosario - January 18, 2024 - 08:41 AM

Jericho Rosales ‘happy’ sa piling ni Kim Jones sa kabila ng chikang hiwalayan

PHOTO: Facebook/ABS-CBN

SINAGOT na ng batikang aktor at Kapamilya heartthrob na si Jericho Rosales ang kumakalat na chikang hiwalay na siya sa misis na si Kim Jones.

Ayon kay Jericho, okay na okay sila ng kanyang asawa.

Sa ambush interview sa isang brand event, naitanong sa aktor kung ano ang lagay ngayon ng kanyang puso.

Ang sagot niya, “Good. Great. Fantastic. Amazing.”

Hindi na rin pinansin ni Jericho ang mga katanungang patungkol sa “separation rumors,” pero iginiit na masayang-masaya sila ngayon.

“No comment because it’s not the place,” sambit niya.

Baka Bet Mo: Jericho ibinandera ang OOTD sa loob ng ‘kulungan’, nakaposas pa: ‘I’m just very happy to be acting in front of the camera again’

Dagdag niya, “I never really talk about my relationships, but we’re happy, we’re good.”

“Kim and I, we’re amazing, we’re fantastic,” ani pa ni Jericho.

Nagsimula ang chikang hiwalay na ang dalawa noon pang 2022 dahil bihira na silang makita sa publiko at mag-post ng pictures together, hindi gaya ng dati.

Gayunpaman, sabay na rumampa sa ABS-CBN ball ang mag-asawa noong nakaraang Setyembre.

Noong nakaraang taon lamang, nauna nang sinabi ni Jericho na hindi niya responsibilidad na mag-react sa mga nababalitaang niyang chismis.

Mas priority niya raw kasi ang mamuhay nang pribado at tahimik.

“People are entitled to think what they think. I mean, ano ang gagawin ko? Tatawa lang ako,” sey niya.

Patuloy pa niya, “But it’s okay, people are entitled to their own opinion. I’m really not that type of person, and I really have to explain myself to anyone. What you see is what you get.”

“As long as [we] live in peace, in love, and in respect, ‘yun na ang importante sa akin,” saad pa niya.

Kung maaalala, taong 2011 nang mag-umpisang mag-date sina Kim at Jericho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makalipas ang dalawang taon ay na-engage sila at noong 2014 ay ikinasal na ang couple.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending