Jericho Rosales ibinandera ang bagong bahay sa New York: Anong oras dadaan ang taho? Bandera

Jericho Rosales ibinandera ang bagong bahay sa New York: Anong oras dadaan ang taho?

Therese Arceo |February 23,2022
share this

Jericho Rosales ibinandera ang bagong bahay sa New York: Anong oras dadaan ang taho?

Therese Arceo February 23, 2022 - 07:06 PM

Jericho Rosales ibinandera ang bagong bahay sa New York: Anong oras dadaan ang taho?
IBINAHAGI ng aktor na si Jericho Rosales ang kanyang bagong tahanan sa New York City kasama ang asawang si Kim Jones.

Sa Instagram nga ay sinorpresa ng aktor ang kanyang followers nang i-post nito ang litrato kuha mula sa kanilang bagong apartment.

“Sa bagong haybol sa big apol,” saad ni Jericho.

Mukhang nasa adjustment stage pa lang rin ang dalawa dahil may mga hirit rin siya sa kanyang caption.

Biro niya, “Kim on google maps: saan ang palengke? Me sa bintana: anong oras darating ang taho?”

Umani naman ng well wishes ang celebrity couple mula sa mga kaibigan sa industriya.

“Soooo happy for you two and also so jealous hahaha @kimcamjones,” comment ni Kiana Valenciano.

“Happy for you guys,” saad naman ni Samantha Godinez, asawa ni Paolo Valenciano.

Nag-comment rin sina Iza Calzado at Bea Alonzo sa post ni Jericho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @jerichorosalesofficial

May mga netizens naman na naka-base sa New York ang humihiling at umaasa na sana ay makakita nila ang mag-asawa.

“Awwww! Welcome to NY!! Can we see you?!” saad ng isang IG user @eabbariao sa post ni Jericho.

Sey naman ni @joselizzy, “Welcome to New York. Wish we could see you. Is there a meet or greet somewhere?”

“Welcome to New York, Jericho! Look up @unclegussys in Midtown if you’re into Mediterranean food! Have fun here!” hirit naman ni @ahintofvanilla.

Related Chika:
Chiz sa pagtatambal uli nina Heart at Jericho: It’s up to you, hindi naman ako selosong tao…
Bakit biglang nagalit ang 2 anak nina Melai at Jason kay Jericho Rosales?
Luis hindi selosong dyowa, kinilig sa tambalan nina Jessy at Jericho

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending