Bakit biglang nagalit ang 2 anak nina Melai at Jason kay Jericho Rosales? Bandera

Bakit biglang nagalit ang 2 anak nina Melai at Jason kay Jericho Rosales?

Therese Arceo |July 27,2021
share this

Bakit biglang nagalit ang 2 anak nina Melai at Jason kay Jericho Rosales?

Therese Arceo | July 27, 2021 - 06:44 PM

KINAALIWAN ng mga netizens ang mga anak nina Melai Cantiveros at Jason Francisco na sina Mela at Stela dahil sa naging reaksyon ng mga ito matapos mapanood ang mga video ng magulang habang nasa loob pa ng “Pinoy Big Brother” house.

Habang pinanonood ang video clip kung saan bumisita si Echo sa Bahay ni Kuya, pasimpleng pinalo ni Mela ang kanyang ina dahil kinikilig ito sa pagdating ng hunk actor.

“Mama, that’s not fair. Nandoon si Papa,” sermon ni Mela kay Melai dahil sa naging asal nito sa video.

Sagot naman ni Jason, hindi pa naman daw sila kasal ni Melai noong nangyari iyon pero nanatiling apektado si Mela.

Matapos nito, makailang beses pang pinalo ni Mela ang ina na natatawa lang sa reaksyon ng anak.

“Palo ko si Jericho. Palo ko siya tapos kurot,” ang hirit naman ng kanilang bunso na si Stela.

“Si Jericho kasi, puro come in,” saad muli ni Mela. “Kapag nakita namin ‘yung picture ni Jericho, naiinis na kami.”

Singit naman ni Melai na maawa ang mga ito kay Jericho at siya na lang ang saktan ng mga ito.

“I will put you in jail and shoo,” mensahe ni Mela para kay Jericho.

Kita naman sa mukha ng Melason na natatawa sila sa reaksyon ng mga anak at tila nag-eenjoy pa ang mga ito sa tuwing maiinis ang mga anak.

“Si Jericho wala siyang kaplano-plano, kahit man lang sa panaginip,” sabi ni Melai sa mga anak dahil akala ng mga ito ay papakasalan ni Echo ang kanilang ina.

“Kapag tumanda na kayo, marerealize n’yo na (mali kayo). Mahihiya kayo.” Saad naman ng mag-asawa.

“Mamaya, ipapakita ko sa inyo ang asawa ni Jericho, mahihiya kayo,” dagdag pa ni Melai.

Matapos naman ang clips kasama si Jericho, pinakita naman ng dalawa ang clips kung saan kasama ni Jason si Maja Salvador.

Sinabunutan naman ni Stela ang ama sa mga napanood.

“It was Mama’s fault,” sisi naman ni Mela sa ina:

“Mama, hanger mo si Jericho kasi he loves you,” pagmamaktol ni Stela. “Gusto ko love lang ikaw ni Papa,” dagdag nito na tila maiiyak na.

Halos maiyak na ang dalawa dahil akala nila ay totoo ang mga napanood at akala nila ay nagloloko talaga ang mga magulang sa isa’t-isa.

Sa huli naman ay natuwa na ang dalawa matapos makita ang clip ng kasal ng kanilang magulang.

Dahil sa mga nakaka-aliw na reaksyon ng dalawa, humiling ang mga netizens na magkaroon ng collab ang Melason kasama sina Jericho at Maja sa susunod nitong video sa YouTube channel ng mga ito.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending