Jericho nagpakilig, todo papuri sa acting skills ni Janine: ‘Bravo!’
IBINANDERA ni Jericho Rosales ang kanyang todo suporta para sa rumored girlfriend na si Janine Gutierrez.
Sa pamamagitan ng Instagram Story, proud na inihayag ng batikang aktor ang kanyang papuri matapos ang mahusay na performance ng aktres sa pelikulang “Phantosmia” na mula sa direksyon ni Lav Diaz.
Ni-repost ni Jericho ang black and white photo ni Janine mula sa isang eksena sa nasabing drama film.
At kalakip niyan ang caption na, “@janinegutierrez I was like carried by a raging river water with your performance.”
Aniya pa, “Triumph. Bravo! Here’s a [sunflower emoji].”
Baka Bet Mo: Bed scene nina Jericho at Janine pasabog; 4 na karakter sa ‘BQ’ patay
Makikita namang shinare ni Janine sa kanyang IG Story ang post ng aktor at nilagyan niya ito ng tatlong emojis –blushing face, holding back tears, at happy face with heart eyes.
Kung matatandaan noong Agosto, si Jericho mismo ang nagkumpirma na nasa dating stage na sila ni Janine.
Ang kanyang pag-amin ay kasunod ng mga kumalat na balita matapos silang mahuling magkasama sa ilang dating spots.
Kabilang na riyan siyempre ‘yung pamamasyal nila sa National Museum na talagang nag-viral at naging usap-usapan ng maraming Marites.
Sa ngayon, ang dalawa ay tampok sa bagong Kapamilya series na “Lavender Fields,” kasama ang award-winning actress na si Jodi Sta. Maria.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.