Yearend 2024: Top 12 kalokang pasabog na chika ng BANDERA

Yearend 2024: Top 12 nakakalokang pasabog na chika ng BANDERA

Ervin Santiago - December 22, 2024 - 12:05 AM
Yearend 2024: Top 12 nakakalokang pasabog na chika ng BANDERA

MALAPIT nang magpaalam ang 2024 at sigurado kaming busog-lusog kayo sa mga maiinit na balitang showbiz ngayong taon mula sa inyong paboritong kasalo sa chikahan at tsismisan, ang BANDERA!

Kaya naman nais naming balikan at magpa-throwback sa nagdaang 12 buwan para sariwain ang mga pasabog na showbiz balita na nag-trending at talagang tinutukan n’yo mula Enero hanggang Disyembre ngayong taon. Lez gow!

Baka Bet Mo: Anthony Jennings hiwalay na raw sa non-showbiz GF; ipinalit si Maris?

Narito ang mga naging top story sa bawat buwan ng 2024 base sa naitala nitong pageviews sa BANDERA.

JANUARY

January

Lolit Solis binalaan si Kyline, kinampihan si Paolo: Mag-ingat ka, hindi kita uurungan

Binantaan ng talent manager at veteran showbiz columnist si Kyline Alcantara dahil sa chikang ipinagkakalat umano ng aktres na bad influence ang alaga niyang si Paolo Contis sa ex-boyfriend nitong si Mavy Legaspi.

Ito raw ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Kyline kay Mavy, “I don’t want to have a fight with Kyline, but I am giving her a warning na kung tutoo ang mga narinig ko na sinasabi niya about Paolo Contis she will never hear the end of it from me.

January

“Kung mali ang alaga ko tinatanggap ko at pinangangaralan sila, pero pag siniraan mo sila ng walang basehan, mag ingat ka dahil hindi kita uurungan.

“So be careful Kyline Alcantara, huwag mo idamay si Paolo Contis sa mga hanash mo kay Mavy Legazpi. Kung may problema kayo, i settle nyong dalawa at huwag magdamay ng ibang tao. Or else, I will do my part as Paolo Contis manager/ nanay para ipagtanggol siya sa mga maling bintang sa kanya.”

Carla

FEBRUARY

Carla Abellana may hugot: People can be so mean

Naglabas ng saloobin ang Kapuso actress tungkol sa kanegahang ibinabato sa kanya ng bashers kaugnay ng mga ibinibenta niyang pre-loved items.

Sa kanyang Carla Abellana’s Closet page inokray ng netizens ang paandar niyang “Shop brand new, never-been-used and pre-loved items”.

Bukod sa “dugyot” daw  dahil sa maruming mga suwelas at hindi kaaya-ayang larawan ng mga pre-loved items na kanyang ibinebenta, “overpriced” pa raw ang mga ito.

Sagot ng aktres sa mga haters at bashers, “People can be so mean. So mean.”

MARCH

Jericho

Anak ni Jericho na si Santino nirereto kay Kathryn: Parang bagay sila!

MARAMING na-touch at nakaramdam ng tila “kurot” sa puso nang mabasa ang makagbagbag-damdaming mensahe ni Jericho Rosales para sa anak na si Santino na isang model, host at football player.

Ibinahagi kasi ni Jericho ang ilang litrato nila ni Santino together sa Instagram na may caption na, “Saint. My compass. My rock. Voice of truth. Tropa. Kaagaw ko sa steak. Love you, pogs. I’m having a soft day. Take it or leave it. @santino_rosales.”

In fairness, napakaraming na-good vibes sa naging mensahe ni Jericho kay Santino at halos lahat ay nagsasabing parang magkapatid lang ang dalawa. Kaya naman ang hirit ng netizens, “Bampira yarn!?”

Zanjoe

APRIL 

Zanjoe, Ria ‘nag-honeymoon’ sa Balesin kasama ang buong Atayde family

Pak na pak sa mga ka-BANDERA ang istorya natin tungkol sa pagsama ni Zanjoe Marudo sa Holy Week vacation ng Atayde family sa Balesin Island sa Polilio, Quezon.

Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na naka-join ang aktor sa pagbabakasyon ng pamilya Atayde sa isang beach getaway bilang asawa ng aktres na si Ria Atayde.

Ibinahagi ni Zanjoe sa kanyang Instagram account ang ilang litrato niya with his wifey Ria na kuha sa Balesin. Nasa mga photos din ang parents ni Ria na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde, Congressman Arjo Arayde and wife Maine Mendoza at ang dalawa pang kapatid ni Ria na sina Gela at Xavi. “Happy Easter Sunday!” ang isinulat na caption ni Zanjoe sa kanyang post.

Ito rin ang unang pagta-travel nina Ria at Zanjoe bilang married couple after ng intimate civil wedding ceremony nila last March 23.

Andi

MAY

Andi beast mode, sey ng girl sa viral video ni Philmar: Hindi ako lumandi

Nag-viral at trending din ang tagos sa butong pahayag ni Andi Eigenmann sa viral video ni Philmar Alipayo kasama ang isang babaeng content creator.

Hindi na kasi nakapagpigil ang aktres sa mga malilisyosong chika tungkol sa kanyang fiancé at sa TikTokerist na si Crissa Liaging na siyang nag-upload ng video nila ni Philmar.

Marami ang nangnenega ngayon kay Philmar dahil sa umano’y pakikipaglandian at pakikipag-flirt nito kay Crissa nang magkita at magkausap sila sa isang bahagi ng Siargao.

“He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that,” ang pahayag ni Andi sa kanyang Instagram Stories.

“What’s shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention.”

Kasunod nito, si Crissa naman ang nag-issue ng statement tungkol sa kontrobersya kung saan ipinagdiinan niyang walang nangyaring “something” sa kanila ni Philmar. “Walang flirting na nangyari dahil nasa public place kami. At hindi ko rin ma-please si Philmar the way siya tumingin at mag-act sa akin.

“Pero ‘yang sinasabi n’yo na lumalandi ako, hindi ako lumandi dahil alam kong pamilyadong tao siya.”

JUNE

Bride

Bride at groom hiyang-hiya sa sariling kasal; parish priest nag-sorry

Sino nga ba ang hindi naapektuhan sa pag-iyak ng groom habang ginaganap ang wedding nila ng kanyang bride sa Amlan, Negros Occidental.

Talagang pinag-usapan sa buong Pilipinas ang nangyari sa kasal nina Janine Sagario at Jove Deo Sagario sa St. Andrew the Apostle Parish sa Amlan noong June 8, 2024.

Post ng bride sa FB, “Good morning everyone! This day should be a big day/special day for my partner because it’s our wedding. But our supposed moment is ruined, always ruined!

“June 08 2024 at exactly 8:00am is our wedding but at the last minute June 07 2024 11:00pm one of our godmothers who served in the church came to our house to inform us that the convent person answered her that the time of our wedding was rescheduled, from 8:00am Down to 9:30am.

“So we are quick to inform both sides and to join our wedding entourage, we are happy because we are not too late. Yesterday at quarter to 9:00am we arrived at the church, we really put an allowance so we still have time to spend properly!

“But what happened is that we were greeted by the staff of the church because we were 1 hour late, they said that we will not make the church an ordinary one!

“All their mouths are noisy and talkative, they didn’t give us a chance to explain our side! I’m still at the entrance of the church, the mass has already started, I can’t even reach the altar and to think I almost slipped because I’m pregnant and will give birth soon!

“Extreme heartache, disappointment, and shame we felt because upon reaching the altar, we received the priest’s noise again! I was even told they thought I was in labor so we weren’t half on time!

“I am posting this not to show off but to release my sadness and pain! My groom cried a lot after the wedding because he was hurt and sad because who else would be happy, right?! Sorry if you get offended by this but what you did to us is worse honestly!!!”

Kasunod nito, napakaraming nakisimpatya sa bagong kasal kabilang na ang ilang wedding suppliers at organizers sa Negros Oriental na nag-organize ng “Wedding Take 2″ para kina Janine at Jove Deo.

JULY

Mark Anthony

Video scandal daw ni Mark Anthony pinagkakakitaan sa socmed: DAKS yarn

Siguradong hindi mawawala sa listahan ng mga most trending showbiz issue ngayong 2024 ang kumalat na video scandal ni Mark Anthony Fernandez.

Sa naturang video, makikita ang isang lalaki na kamukhang-kamukha ni Mark Anthony. Nakahubad ito sabay pakita ng kanyang are sa harap ng camera.

Ilang sandali lamang ang lumipas ay may isang babaeng lumabas sa video saka nila sinimulan ang pagtatalik. Maikli lamang ang naturang video at medyo malabo rin ang pagkakakuha.

Kalaunan ay inamin ng aktor na siya nga ang nasa sex video, “Sorry sa ibang mga wholesome. Pasensiya na sa mga Conservative. Hindi ko po kasalanan. Kasi ang nangyari talaga doon nu’ng na-hack ako, hindi siya circuit hack. Nagmanu-manong hack sa party ng mga tropang babae, kaya nagkaroon po ng leakage.

“Lumang-lumang video na siya. Adventure namin nung GF ko nung time na ‘yon… So, ‘yun, ganoon po yung nangyari, medyo naging ano po siya R-19, R-18 po.”

AUGUST

Angelica

Ina ni Carlos Yulo ‘kinarma’ matapos suportahan ang Japan kesa sa anak

Matapos makuha ng Pinoy gymnast ang gold medal sa Paris Olympics 2024, biglang naging usap-usapan sa social media ang kanyang inang si Angelica Yulo.

Naging sampal kasi sa kanya ang pagkapanalo ni Carlos matapos ibandera sa social media ang kanyang pagsuporta sa bansang Japan kesa sa anak.

Mismong si Caloy ang nanglaglag sa sariling ina nang ibuking nito ang paglulustay umano sa kanyang kinita bilang atleta. Mas kinampihan din niya ang dyowang si Chloe San Jose kesa sa kanyang pamilya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikipag-ayos si Carlos sa kanyang nanay kahit na nag-public apology na ito dahil sa mga masasamang nasabi niya laban sa anak.

SEPTEMBER

Carlos

Coach na malapit sa pamilya Yulo naglabas ng resibo, hinamon si Chloe

Matapang na lumantad at nagsalita ang isang coach na malapit sa pamilya Yulo hinggil sa lumalalang isyu sa pagitan ni Carlos kasama ang dyowa nitong Chloe San Jose at ng pamilya ng Olympian.

Hindi na nakapagtimpi ang gymnast coach na si Gerald Fajardo sa patuloy na pagbatikos bilang masamang ina kay Angelica Yulo dahil rin sa sunud-sunod na bwelta ni Chloe laban sa nanay ng kanyang karelasyon.

Sa kanyang Facebook post naglabas ng mga resibo o screenshots si Gerald ng mga mensahe ng pambabastos ni Chloe laban kay Angelica sa kanilang group chat na may pangalang “Linlangin Mo Ako”.

Sa kanyang caption ay inisa-isa niya kung paano na-brainwash umano ni Chloe si Carlos Yulo hanggang sa tuluyan nang mapalayo ang loob nito sa sariling pamilya.

“Mahusay ka. na achieve mo yung ninanais mo, siksik,liglig at umaapaw. Wala kang karapatang ipamukha yung milyon na meron ang pamilya mo, at ipagmalaki yang propesyon nila. Dahil talong talo Talaga ang nanay at tatay ni caloy.

“After mong isiksik yung sarili mo sa PAMILYA nya, biglang itutulak mo sila palabas? BUO ang pamilya nyan. Sinira mo…sinigurado mong mawawala sila,” pahayag ni Gerald.

“Diba, after kausapin si caloy… Para sa paghahanda sa Olympics . Sinabi mong hindi ka priority ni CALOY … Hindi kapaba priority eh magka live in na nga kayo. Tapos yung oras na uuwi na si CALOY, papunta sa PAMILYA nya. Anong ginawa mo? Sinabi mo diba MAGPAPAKAMATAY ka? Buo ang loob ni caloy na lumaban sa 2024 olympics. Handa ang lahat. Lalong handa sya, oo naka GOLD kayo -dalawa pa, pero pano kung wala ka?. Malamang maka all around payan!!!” aniya pa.

OCTOBER

Beauty

Bikini photo ni Beauty pinagpiyestahan, ‘pisngi ng langit’ muntik sumilip

Talagang binasa at nagkomento ang ating mga ka-BANDERA sa pak na pak na bikini photo ni Beauty Gonzalez sa social media.

Ibinandera ng Kapuso actress sa kanyang Instagram page ang kanyang nagmumurang kaseksihan suot ang super skimpy black swimwear bilang regalo sa kaarawan ng kanyang asawang si Norman Crisologo.

“Happy Birthday Bambi. My gift for you today and every day for the rest of our lives, is…. Drum rolls please……ME! No Return No Exchange! Love You,” ang mensahe ni Beauty para sa kanyang mister.

Base sa mga comments mula sa mga nakakita sa bikini post ni Beauty, tila naiskandalo ang mga netizens dahil halos sumulyap na raw ang “pisngi ng langit” at “hiwa” ng aktres.

NOVEMBER

Labubu

Labubu Dolls ‘demon’s toys’ daw, Kathleen Hermosa nagbabala: Be vigilant!

Ni-repost ng aktres na si Kathleen Hermosa ang post ng isang digital creator tungkol sa Labubu Dolls na kinababaliwan ngayon ng mga Pinoy, kabilang na ang ilang celebrities.

Sa gitna ng kabaliwan ng mga Pinoy sa mga laruang ito, nagpaalala ang digital creator na Stuff Finds, ang Facebook account tungkol sa mga Labubu dolls, na hindi dapat ito tinatangkilik dahil ito ay “the devil’s pet”.

Sang-ayon si Kathleen dito kaya niya ito ni-repost at may caption na, “Be vigilant guys.”

Ang nakalagay sa post ng digital creator, “The Legend of Labubu:  The Devil’s Pet.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“If you’re colleting Labubu, you’re not just building a cute collection – you’re gathering the pets of the underworld! Every Labubu you own brings you one step closer to owning a piece of Hell itself.

“These mischievous little devils aren’t just figurines or toys, they’re known to be Lucifer’s favorite companions, feeding on the souls of the damned.

“Each Labubu you collect is a symbol of chaos, darkness, and the power of the underworld. Keep collecting, and you might unknowingly summon something darker a direct connection to Lucifer’s den.

“Rumor has it, those who collect enough Labubus may find themselves visited by the real deal. And trust us, when Labubu shows up, it’s hungry for souls.”

DECEMBER

maris

‘Panloloko’ nina Anthony Jennings, Maris Racal bistado, Jam naglabas ng resibo

Nawindang ang buong universe sa pasabog ng ex-girlfriend ni Anthony Jennings na si Jam Villanueva hinggil sa tunay na rason ng kanilang paghihiwalay.

Inilabas ni Jam sa kanyang Instagram ang kanyang “side of the story” kalakip ang mga screenshots ng conversation nina Anthony at Maris na magpapatunay sa ginawang panloloko sa kanya.

Sabi ni Jam, “It’s been deeply painful, and I know it’s no longer just about me. It’s about protecting the people l love most, and I can’t allow them to be dragged into this.”

“I’m sharing this because I need to set the record straight-not to create more drama, but because I deserve to be heard, just like anyone else. This has been a journey of pain, growth, self-discovery, and healing.”

“Happiness was all I ever wanted for you, in our years of living together. I never imagined l’d have to let you go, but I did-so you could grow and find happiness on your own,” ani Jam.

Kasunod nito, lumantad sa publiko at umiiyak na nag-sorry si Maris sa nagawa niyang kasalanan pero nilaglag niya si Anthony at sinabing hindi raw inamin sa kanya ng aktor na hindi pa sila hiwalay ni Jam. Meaning, tinuhog sila ni Anthony nang sabay.

After mag-public apology ni Maris, sumunod din na humingi ng paumanhin si Anthony sa ginawang panloloko.

Yearend 2024: Top 12 nakakalokang pasabog na chika ng BANDERA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending