Anthony hiwalay na raw sa non-showbiz GF, ipinalit si Maris?

Anthony Jennings hiwalay na raw sa non-showbiz GF; ipinalit si Maris?

Ervin Santiago - September 30, 2024 - 12:15 AM

Anthony Jennings hiwalay na sa non-showbiz GF; ipinalit si Maris?

Anthony Jennings at Maris Racal

TRUE kaya ang chikang hiwalay na raw ang Kapamilya actor na si Anthony Jennings at ang kanyang non-showbiz girlfriend?

Yan ang kumakalat na chika ngayon sa social media matapos maging usap-usapan ng netizens ang balitang pareho na raw single ang binata at ang leading lady nitong si Maris Racal.

Isa rin ang isyung ito sa mga pinag-usapan sa YouTube channel ni Ogie Diaz na “Showbiz Updates” dahil nakatanggap din sila ng mga impormasyon hinggil dito.

Nagsimula nga ito sa video nang kumalat ang video ni Anthony kasama si Maris. Mas lalo pang umingay ang balita na may “something” na raw sa pagitan ng magka-loveteam dahil sa suot nilang couple o twinning shoes.

Baka Bet Mo: Tambalang Maris Racal-Anthony Jennings sa Can’t Buy Me Love laging trending

Tinanong ni Ogie sa kanilang vlog kung totoo ba talagang hiwalay na si Anthony sa dyowa nito at true ba na single na single na siya ngayon.

“Ang balita, hindi ko naman alam, sana hindi totoo naman, kaka-break lang daw ni Anthony Jennings sa kaniyang girlfriend,” sey ni Mama Ogs.

“Pero hintayin natin. Baka naman hindi lang sila nagpo-post madalas. O hindi sila nagpo-post at all ng kasama ang isa’t isa,” pahayag pa ng talent manager at content creator.

Sundot pang sey ni Mama Ogs, “Totoo ba ‘yun? Naku, pakilinaw nga kung totoong split na si Anthony Jennings sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Jam Villanueva.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Netflix Philippines (@netflixph)


Noong kasagsagan ng loveteam nina Anthony at Maris sa kanilang teleseryeng “Can’t Buy Me Love” kasama sina Belle Mariano at Donny Pangilinan, nabanggit ni Anthony sa mga prescon na meron siyang karelasyon.

Kaya naman hindi umaasa noon ang supporters ng dalawa na pwede silang magkatuluyan sa tunay na buhay. Pero ngayon ngang natsitsismis na hiwalay na ang aktor sa kanyang GF ay nabuhayan na ng loob ang fans.

Wala pang pahayag si Anthony hinggil dito pati na sa kanilang viral couple shoes nila ni Maris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero kung ang tatanungin ay ang kanilang mga tagasuporta, feeling nila ay magdyowa na nga ang dalawa. Well, wait and see na lang tayo sa mga susunod na kabanata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending