Maris Racal, Anthony Jennings trending lagi sa Can't Buy Me Love

Tambalang Maris Racal-Anthony Jennings sa Can’t Buy Me Love laging trending

Ervin Santiago |January 07,2024
facebook
share this

Tambalang Maris Racal-Anthony Jennings sa Can’t Buy Me Love laging trending

Ervin Santiago - January 07, 2024 - 08:27 AM

Tambalang Maris Racal-Anthony Jennings sa Can't Buy Me Love laging trending

Anthony Jennings at Maris Racal

IN FAIRNESS, bentang-benta na rin ngayon ang tambalan nina Maris Racal at Anthony Jennings sa Kapamilya series na “Can’t Buy Me Love.”

Bukod sa phenomenal loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, inaabangan at kinakikiligan din ngayon ng mga manonood sina Maris at Anthony dahil sa kanilang nakakaloka pero nakaka-good vibes na mga eksena.

Gumaganap si Maris sa serye bilang si Irene Tiu ang sosyalera, palaban at pasaway na kapatid ni Caroline Tiu (Belle) habang si Snoop naman si Anthony, ang sidekick at BFF ni Bingo (Donny).

Totoo naman ang sinasabi ng mga netizens na bagay na bagay sina Maris at Anthony bilang tandem lalo na kapag nag-aasaran at nagbabangayan na sila sa mga eksena.

May nagsabi pa nga na mukhang nakahukay na naman ng ginto ang ABS-CBN sa tambalang Maris-Anthony na kering-kering bumida sa mga susunod nilang mga romcom projects.

Ang bongga pa rito, kahit alam na ng madlang pipol na may dyowa na si Maris (Rico Blanco) ay kinakagat ng publiko ang mga pakilig ng aktres at ni Anthony sa “Can’t Buy Me Love.”

Baka Bet Mo: Promise ni Dennis kay Jennylyn: Sa lupa, sa ilalim ng dagat, kahit saan pa man…hindi kita pababayaan

At hindi pa man natatapos ang naturang serye ay humihirit na ang mga fans ng dalawang Kapamilya stars na beke nemen pwede na rin silang bigyan ng solo project bilang loveteam o kaya’y spin-off ng “Can’t Buy Me Love.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Narito ang mga nabasa naming komento ng mga netizen na nagsi-ship kina Anthony at Maris.

Baka Bet Mo: Jillian Ward ibinandera ang bagong sports car, binansagang ‘Kylie Jenner ng Pinas’

“Inaabangan ko ang CBML dahil sa kanilang dalawa sa totoo lang!”

“Natural na natural silang dalawa. Hindi pilit ang pagpapakilig.”

“Nakakatuwa kayong panoorin hahaha.”

“Added flavor silang dalawa sa series pero DonBelle pa rin ako!”

“Love ko kayong 2! Nakakatuwa kayo!”

“Parang kaya nga nilang dalhin ang show hahaha.”

“Grabe talaga ang chemistry ng dalawang ito. Good vibes lang talaga!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“ABS-CBN, beke nemen puwedeng bigyan sila ng sariling series o movie, bagay silang dalawa!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending