Promise ni Dennis kay Jennylyn: Sa lupa, sa ilalim ng dagat, kahit saan pa man...hindi kita pababayaan Bandera

Promise ni Dennis kay Jennylyn: Sa lupa, sa ilalim ng dagat, kahit saan pa man…hindi kita pababayaan

Ervin Santiago |May 17,2021
share this

Promise ni Dennis kay Jennylyn: Sa lupa, sa ilalim ng dagat, kahit saan pa man…hindi kita pababayaan

Ervin Santiago - May 17, 2021 - 02:12 PM

SA isang pambihirang pagkakataon, ibinandera ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ang kanyang abot-langit na pagmamahal para sa girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.

Sa pamamagitan ng kanyang social media account, ibinahagi ni Dennis ang birthday message niya para sa 34th birthday ni Jen nitong nagdaang weekend.

Ipinost ng Kapuso actor sa Instagram ang ilang underwater photos nila ni Jennylyn na kuha sa isang dive session nila kamakailan sa isang resort sa Mabini, Batangas bilang bahagi ng birthday celebration ng Kapuso Ultimate Star.

“Sa lupa, sa ilalim ng dagat, kahit saan pa man, at kahit anong mangyare nandito ako para sa ’yo, hindi kita pababayaan,” ang inilagay na caption ni Dennis sa kanyang IG post.

Aniya pa, “Excited ako sa mga susunod na kabanata sa buhay natin. Mahal na mahal ka namin, mahal na mahal kita. Maligayang kaarawan sayo, Mahal ko.”

Nito lamang nakaraang linggo, si Jennylyn naman ang nagpahayag ng kanyang pagmamahal kay Dennis bilang pagbati sa ika-40 kaarawan ng aktor.

“Celebrating you today and always.  Happy birthday mahal ko!” mensahe ni Jen sa kanyang long-time boyfriend.

Kung matatandaan, sa isang panayam sinabi ng aktres na hindi niya pinagsisisihan na bigyan ng second chance ang love story nila ni Dennis, “Iba na kasi kami bilang tao. There’s more maturity on both sides.”

Kasal na lang ang kulang sa Kapuso couple kaya palagi silang natatanong kung kailan naman sila magpapakasal. Nakikita na ba ni Jen ang sarili bilang misis ni Dennis?

“I can’t really say. Let nature take its course. But what I can definitely say is that he is my greatest love. He’s a man who is passionate, understanding and loves his family. Those traits are what I look for in a husband,” sey ng aktres.

Ayon naman kay Dennis, mas tumibay pa ang relasyon nila ni Jen nang dahil sa health crisis, “Siguro ngayong pandemic, ang sukdulan lang na nararamdaman ko palagay ko, yung pag-ibig ko kay Jen. Sukdulan na yung pag-ibig ko.

“Wala na akong maisip na ibang narating ko na umabot sa pinakarurok kundi yon. Kaya siguro, yon ang masasabi ko, pagmamahal na sukdulan,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending