Maris Racal 'nilaro' ng netizens, gown hawig raw sa logo ng Columbia Pictures | Bandera

Maris Racal ‘nilaro’ ng netizens, gown hawig raw sa logo ng Columbia Pictures

Therese Arceo - October 04, 2023 - 08:54 PM

Maris Racal 'nilaro' ng netizens, gown hawig raw sa logo ng Columbia Pictures

DINOGSHOW na naman ng madlang pipol ang aktres na si Maris Racal dahil sa kanyang naging outfit sa nagdaang ABS-CBN Ball 2023.

Nakasuot ng custom fully embroidered Marc Rancy dress na kulay gold at blue ang dalaga na talaga namang bumagay sa kanya.

Ngunit tila hindi maiwasan ng mga netizens na “laruin” ang si Maris nang mapansin ng mga ito na tila may pagkakahawig ang outfit ng dalaga sa suot ng estatwa na logo ng Columbia Pictures.

Isang netizen pa nga ang nag-tweet ukol sa suot ng dalaga.

“Kaya pala pamilyar kako ‘yung outfit ni @MissMarisRacal, hawig pala nung sa logo ng Colombia Pictures! #ABSCBNBall2023,” saad nito.

Baka Bet Mo: Sue Ramirez iginiit na ‘close’ pa rin sila ni Maris Racal: Porke ‘di nagkikita ‘di na magkaibigan?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

At dahil nga dito ay mas dumami pa ang tila nang-dogshow sa outfit ni Maris.

May ilan na sinabing huwag okrayin ang damit habang ang iba naman ay may mga hirit at maging ang bangs niya ay nadamay.

“Hahahaha sa dami Kong tawa grabe naman pati ba naman to , pero ganda ganda ni Maris,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Okay naman ahhhh….weehhh ang totoo di rin alam yan ng iba kong di nilagyan ng picture ng columbia. Asus inggit lang naman ah…maganda and stunning.”

“Bat humaba agad ang bangs ni nena HAHAHAHA,” biro naman ng isa.

Matatandaang nag-trending kamakailan si Maris matapos niyang ibandera ang kanyang hindi magandang pagkakagupit ng micro bangs.

At matapos mag-trending at ma-dog show sa social media, ni-retweet pa niya ang naturang tweet na nagsasabing may hawig sa log ang kanyang gown.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Talaga namang love na love ng madlang pipol si Maris ang nag-iisang trending Nena ng social media.

Related Chika:
Maris Racal hindi makapaniwalang umabot sa Italy ang pelikulang ‘Where Is The Lie?’

Maris umaming maligaya sa piling ni Rico: I think it is very obvious…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending