Rico Blanco, Maris Racal unang nag-date sa Las Vegas; hulaan n'yo kung sino ang unang nag-'I love you'? | Bandera

Rico Blanco, Maris Racal unang nag-date sa Las Vegas; hulaan n’yo kung sino ang unang nag-‘I love you’?

Ervin Santiago |June 23,2022
facebook
share this

Rico Blanco, Maris Racal unang nag-date sa Las Vegas; hulaan n’yo kung sino ang unang nag-‘I love you’?

Ervin Santiago - June 23, 2022 - 07:40 AM

Maris Racal at Rico Blanco

SA Las Vegas pala unang nag-date ang celebrity couple na sina Maris Racal at Rico Blanco.
Kuwento ng Kapamilya young singer-actress nangyari ito noong nagkaroon siya ng US tour.

Nasa Las Vegas daw siya that time habang nasa Miama naman ang kanyang boyfriend. Si Rico raw ang nag-suggest na doon na lang sila sa Vegas magkita.

Sa bagong YouTube vlog ng magdyowa na in-upload last Tuesday, June 21, inalala nila ang ilang “firsts” sa kanilang relationship, kabilang na nga riyan ang first date, first fight, the first time they met, at sino sa kanila ang unang nagsabi ng “I love you”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)


Pag-alala ni Rico sa una nilang date, “Galing din kasi ako sa isang trip. Nagri-research ako sa Miami kasi gusto kong magkaroon ng hostel, ‘di ba? Tapos ikaw, may US tour ka.”

Pag-alala naman ni Maris, “Nagkataon, meron akong five days off sa Vegas. And then ikaw… to me, it was so impossible. But ikaw nakaisip na why not pumunta ka doon sa Vegas.

“‘Di ba? Tapos ‘yun na ‘yung first date natin. Like, parang sobrang, ‘What? First date natin sa Vegas?'” kuwento pa ng dalaga.

Bukod dito, hindi rin nila makakalimutan ang una nilang road trip na magkasama patungong  Arizona kasama ang ilang kaibigan ni Maris.

“As in super saya lang nu’ng araw na ‘yun. And we took so many videos, photos. Ikaw ‘yung nag-picture sa akin,” pagbabalik-tanaw pa ng aktres.

Hirit naman ni Rico sa kanyang dyowa na may halong panunukso, “Ay, so pwede na ako mag-post ng pictures ko ngayon kapag lumabas ‘to?”

Mabilis namang sagot sa kanya ni Maris, “Pwede, parang ganu’n. Yeah, pwede.”

At tungkol naman sa unang nagsabi ng “I love you”, “Ako!” mabilis na sagot ni Rico. “Ako nauna. Sure ako doon.”

Hirit ni Maris sa dyowang OPM icon at award-winning singee-songwriter, “Tapos sobrang biglaan, like, naisip ko nu’n, ‘Wait, agad? I love you na agad?’ Teka lang, hindi pa nga ako nagpapakipot. Pero sumagot din (ako ng I love you). Pero nabigla ako.”

“Pati ako nagulat ako sa sarili ko. Kasi matagal ko nang hindi sinasabi ‘yun eh,” pag-amin din ni Rico. Na sinagot uli ni Maris ng, “Sinabi mo nga, ‘Shocks, I don’t do this.’

“Sabi ko, ‘Hala, bolero.’ Sa utak ko, ito ba ‘yung game niya? Kasi, ‘di pa kita ganu’n kakilala. Pero ngayong kilala na kita, sobrang weird nga na sasabihin mo ‘yun agad,” natatawang chika pa ni Maris.

Noong May, 2021 ibinandera ni Maris sa madlang pipol na boyfriend na niya si Rico na talagang ikinagulat ng kanilang mga supporters.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At paulit-ulit na sinasabi ng dalaga sa mga interview na walang issue sa kanya kung 25 years man ang agwat ng kanilang edad — 24 si Maris ngayon at 49 naman si Rico.

Justin Bieber tinamaan ng COVID-19, concert sa Las Vegas hindi natuloy

Vice Ganda, Ion Perez ‘nagpakasal’ na sa Las Vegas, may pangako para sa isa’t isa

Paulo inaming nag-date sila ni Janine: Alam ko, itatanggi na naman ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending