Maris umaming maligaya sa piling ni Rico: I think it is very obvious... | Bandera

Maris umaming maligaya sa piling ni Rico: I think it is very obvious…

Ervin Santiago |May 31,2021
facebook
share this

Maris umaming maligaya sa piling ni Rico: I think it is very obvious…

Ervin Santiago - May 31, 2021 - 05:25 PM

MATIPID ang naging sagot ng Kapamilya singer-actress na si Maris Racal nang matanong tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng OPM icon na si Rico Blanco.

Hindi diretsahang binanggit ng dalaga na boyfriend na niya ang sikat na singer-songwriter but reading between the lines, mukhang na-in love na nga siya nang bonggang-bongga sa binata.

Humarap si Maris sa ilang members ng entertainment press para sa mga tampok na episode ngayong buwan na Hunyo para sa lagi pa ring trending na Kapamilya drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” hostes by Charo Santos.

Dito, natanong nga si Maris kung ano na ba talaga ang real score sa pagita nila ni Rico matapos mag-viral ang jamming video at photos nila sa social media at sa nakakaintrigang birthday greeting niya sa award-winning singer at composer.

Sey ng Kapamilya youngstar, masaya naman siya sa kung anumang meron sila ni Rico, “Nahihiya lang po ako sa mga kasama ko (sa presscon ng MMK).”

Pahayag pni Maris, “Kami po ni Rico, I think based sa post na ginagawa ko po, I think it is very obvious. Right now, we’re very excited and busy din po.

“We’re preparing beautiful music together. Abangan po nila iyon soon,” ang bitin na biting sagot ng aktres na songwriter na nga rin ngayon sa tulong ni Rico.

Kasunod nito, nakiusap na ang dalaga sa media na kung maaari ay huwag na siyang magdetalye hinggil sa kanyang personal na buhay. In fairness, marespeto naman ang pagkakasabi ng dalaga kaya naiintindihan din siya ng press people.

Samantala, muling patutunayan ni Maris ang pagiging aktres sa upcoming Father’s Day episode ng  “Maalaala Mo Kaya” kung saan makakasama niya si Cris Villanueva.

Todo ang pasasalamat ng aktres sa MMK team dahil lahat ng ibinibigay sa kanyang materyal ay magaganda at talagang may hatid na inspiring message para sa mga kabataan.

“Kaya parang every time na may episode ako tapos malapit siya sa puso ko, gusto ko talagang gawin and I will do everything to make it happen talaga,” pahayag pa ng dalaga.

Isang two-part father’s day special ang pagbibidahan nina Maris at Cris sa darating na Hunyo 12 at 19. Sa loob ng maraming taon, walang ibang hinangad si Jai (Maris) kung hindi makita ang tatay na si Jericho (Cris).

Kahit pa mahal naman siya ng kanyang ina at stepdad, tingin ng dalaga may kulang sa kanyang pagkatao. Kaya naman nang maging isang delivery service crew siya, sinabay niya ang paghahanap sa kanyang tatay habang nagtratrabaho.

Bukod kina Maris at Cris, may espesyal na episose rin sa “MMK” ngayong Hunyo sina Pepe Herrera at Kim Molina sa longest-running drama anthology ng Kapamilya network.

Gaganap naman sina Kim at Pepe bilang magkasintahang ipakikita na hindi batayan ang estado sa buhay sa pagpili kung sino ang mamahalin ngayong Hunyo 5.

Alamin kung paano nabuo ang love story ng inhinyero na si Rose (Kim) at kanyang kasintahang tricycle driver na si JR (Pepe) at kung ano-anong pagsubok ang pinagdaanan ng kanilang relasyon.

Bukod sa dalawang kwento, muling ipalalabas ang episode nina Jaya at Awra Briguela. Sariwain ang pagsasadula ng buhay ni Timi (Awra) na nagkaroon ng viral video matapos niya iwkento ang sitwasyon ng kanyang lesbian na inang si Cata (Jaya).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending