Jillian Ward ibinandera ang bagong sports car, binansagang 'Kylie Jenner ng Pinas' | Bandera

Jillian Ward ibinandera ang bagong sports car, binansagang ‘Kylie Jenner ng Pinas’

Therese Arceo |March 11,2022
facebook
share this

Jillian Ward ibinandera ang bagong sports car, binansagang ‘Kylie Jenner ng Pinas’

Therese Arceo - March 11, 2022 - 06:33 PM

Jillian Ward ibinandera ang bagong sports car, binansagang 'Kylie Jenner ng Pinas'
PROUD na ibinandera ng dating child star at kasalukuyang Kapuso actress na si Jillian Ward ang kanyang bagong sportscar.

Ibang level na talaga ang dating child star na si Jillian Ward dahil sa edad na 17 ay nakabili na ito ng sariling niyang German luxury car na Porsche.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan ng kanyang larawan kasama ang bagong sasakyan.

“My first sports car,” saad ni Jillian sa kanyang caption.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)

Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa bagong property ng dalaga.

“Napakaangas! Gandaaa (heart emoji)” saad ng isang netizen.

May mga netizen rin na nagsabing siya na raw ang “Kylie Jenner ng Pinas”.

Isa si Jillian Ward sa mga sumikat na child star na hanggang ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag sa showbiz. Nagsimula siya bilang commercial model bago siya sumikat at makilala sa kanyang pagganap bilang si “Trudis Liit”.

Matatandaang nitong tatlong buwan pa lamang ang nakalilipas buhat nang bumili ang Kapuso star ng kanyang BMW.

Nitong February lang rin nang i-celebrate ng young actress ang kanyang 17th birthday.

Sobrang happy nga ng Kapuso star dahil sa umaapaw na pagmamahal sa kanya ng mga taga-suporta dahil bukod sa pagbibigay ng regalo at pagkain, may pa-billboard rin ang mga fans niya at nag-trending rin siya sa Twitter.

Samantala, sa panayam naman ni Jillian sa “24 Oras” ay isa sa mga goals ng dalaga ay mas mapalawak pa ang kanyang mga investments, properties, at negosyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyways, congratulations sa bago mong milestone, Jillian!

Related Chika:
Jillian Ward ibinandera ang bonggang sasakyan; tinawag na next ‘Marian Rivera’
Jillian Ward ready na sa mature roles: Gusto kong ma-try maging mermaid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending